Kabanata 12

21 5 0
                                    

"Ina, paano ko po gagawin?" natatarantang tanong ni Azarea kay Sariya. Nasa silid sila pareho habang ang bintana nito ay nakabukas nang kaunti. Sinisilip kasi nila si Moon na nakaupo sa upuan sa ilalim ng puno at malungkot na nakapikit na naman.

"Lalapitan mo," natatawang sagot naman ni Sariya na ikinangiwi ni Azarea.

"Tapos po?" kinakabahang tanong ulit ni Azarea habang mahigpit na magkahawak ang dalawa niyang kamay.

"Sasabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Iyon lamang," nagpipigil ng tawang sagot ni Sariya. Natatawa kasi siya dalawa at natutuwa rin. Sa panahon kasi ngayon ay nagbago na ang paraan ng panliligaw at masyadong nagiging madali lamang ang lahat pero kahit papaano naman ay nakakakita siya ng pag-ibig na hindi nagiging madali. Gaya na lamang ng kina Azarea at Moon, hindi sila nagmamadali at sa halip ay pinakikiramdaman ang isa't-isa. Kahit na nasasaktan sila, alam ng ina na tunay ang nararamdaman ng mga ito at ang sakit na iyon ang nagtuturo sa kanila sa mga dapat nilang gawin.

"H-hindi ko ho yata kaya, ina. Nakakahiya po," pag-amin ni Azarea.

"Sabagay, sa tingin ko ay maaari mo ring hintayin muna na mauna si Moon sa pagsasabi ng kung ano man ang nararamdaman niya. Pero hindi sa lahat ng bagay ay maaari mong hintayin kung ano ang sasabihin ng lalaki. Depende pa rin naman sa iyo. Kung gusto mong malaman niya ang nararamdaman mo, sabihin mo pero kung ayaw mo naman ay hindi mo dapat pilitin ang sarili mong gawin iyon. May mga lalaki kasing hindi rin nagiging totoo sa kanilang nararamdaman, nahihiya rin siguro kaya kapag sinabihan ka ng isang lalaki na mahal ka niya—ang tapang ng lalaking iyon at hayaan mong patunayan niya ang pagmamahal niya sa iyo."

Naalala naman ni Azarea si Moon nang sinabi nitong mahal na mahal siya nito pero lasing nga lamang.

"Kahit po lasing ang nagsabing mahal ako?" nabiglang tanong ni Azarea na hindi na niya nabawi dahil nanlaki ang mata ni Sariya at ganoon na lamang ang pagtikom ng kaniyang bibig.

Nasabi na niya, wala nang bawian.

"Sinabi na niya sa iyo?!" gulat na tanong ni Sariya na ikinatango na lamang niya at nagulat na lamang siya nang magtatalon si Sariya.

"Binata na nga ang anak ko at tamang dalaga pa ang pinili niya," tuwang-tuwang saad ni Sariya.

"Ina, lasing nga po siya," paliwanag na muli ni Azarea.

"Marahil lasing nga siya ngunit alam niya ang ginagawa at sinasabi niya," nakangiting paliwanag ni Sariya na ikinanguso ni Azarea.

"Dapat po bang maglasing muna ako bago ko sabihin sa kaniya? Nakakahiya po kasi talaga," kinakabahang tanong ni Azarea na ikinahagikhik ni Sariya.

"Kung iyan ang nais mo ay papayagan kita," natatawang sabi ng ina.

"Paano po? Saan ho ako mag-iinom at saan ho ako maaaring kumuha ng mga iinumin ko?"

Ngumisi lamang si Sariya at saka sabay silang lumabas ni Azarea.

Kanina pang naghihintay si Moon sa may sala. Hindi pa kasi dumadating si Azarea at ang kaniyang ina. Nagpaalam naman silang aalis saglit ngunit hindi naman sinabi kung saan at bakit.

"N-nakakainis talaga!"

Biglang napabalikwas si Moon at nagtungo sa labas nang marinig ang malakas na boses ni Azarea. Napakunot naman ang noo niya nang makita ang ina na may dalang plastik habang akay-akay nito si Azarea.

"Saan kayo nagtungo, ina at bakit lasing iyan?" tanong niya at saka nilapitan ang dalawa. Binuhat na niya si Azarea para dalhin sa sarili nitong silid kaysa mapagod pa ang ina sa kakaalalay rito.

"Gusto raw niyang maglasing kaya pinayagan ko, sinamahan ko naman para may taga-alalay. Nagtungo kami sa ilog," paliwanag ni Sariya.

"Bakit naman ho napasobra yata ang kalasingan nitong babaeng ito? Masama ho iyon sa katawan, babae pa naman din siya," nag-aalalang tugon ni Moon.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon