Kabanata 20

15 5 0
                                    

Dalawang linggo ang lumipas. Parang isang bangungot ang nangyari noon. Bago mamatay ang inang reyna, binura niya ang alaala ng mga taong naroon noong araw na iyon. Kailangan nilang mabuhay nang maayos at mabuhay nang gaya ng dati.

"Ina, ano pa hong bibilhin namin?" tanong ni Moon sa ina na naghuhugas ng pinggan pero sumisinghot-singhot pa ito. Marahil nasasaktan pa rin ito sa mga nangyayari kaya ganoon pero ayaw niyang ipakita kina Azarea at Moon na umiiyak siya kaya pasimple siyang nagdadalamhati.

Hindi sumagot si Sariya, nagkatinginan naman si Azarea at si Moon dahil alam nilang umiiyak ang ina. Napabuntong-hininga lamang si Moon at saka dinaluhan ang ina at saka niyakap ito patalikod.

"Ina, huwag na kayong umiyak. Malulungkot ang inang reyna kapag nakita ka niyang ganiyan ka," saad ni Moon na ikinaiyak lalo ng ina nito. Humarap sa kaniya si Sariya at muli silang nagyakap.

"Ina, papangit kayo niyan. Hala kayo, kapag nakita kayo ni ama na ganiyan, manliligaw iyon ng ibang kaluluwa," asar pa ni Moon na ikinatawa na ni Sariya.

Napatawa na rin si Azarea dahil sa sinabi ni Moon. Naalala tuloy niya ang kasungitan nito noong una. Kinakabahan pa siya lagi na animo ay papatayin siya nito.

"Sige na, panalo ka na anak dahil napagaan mo ang kalooban mo. Bumili ka na ng pintura sa pamilihan," utos ni Sariya at saka tinuyo ang pisngi.

"Pintura? Anong gagawin natin roon, ina?" naguguluhang tanong ni Moon. Nakangiwi ito at tila nag-iisip pa.

"Isasahog ko, gagawin kong sabaw ng adobo. Ayos ka na roon?" sarkastikong sagot naman ni Sariya na ikinangiwi lalo ni Sariya.

Ngayon, alam na talaga ni Azarea kung saan nagmana si Moon. Siguro nga ay ang pisikal na katangian nito ay sa kaniyang ama at isama na ang kasungitan nito ngunit ang iba pang katangian nito ay walang dudang nakuha niya sa kaniyang ina.

"Ina, seryoso kaya ako sa tanong ko," nakangusong saad ni Moon.

"Hindi ako seryoso sa sagot ko pero kung gusto mong seryosohin ko—"

"Huwag na, ina. Ayokong makatikim ng kulay puting adobo o kaya naman ay kulay rosas," natatarantang sagot ni Moon na ikinatawa nilang tatlo.

"Sige na, baka makatakbo pa ang pamilihan. Bumili ka na ng mga pintura na babagay sa ating tahanan dahil nais kong tulungan ninyo akong palitan ang kulay nito," paliwanag ni Sariya.

"Palitan nalang natin mismo ang ating bahay," walang kwentang suhestiyon ni Moon.

"Palitan nalang natin ang nakatira. Anong masasabi mo sa ideya ko na pagpapalit ng anak, Azarea?" biglang tanong ni Sariya kay Azarea na ikinakamot na lamang ng ulo ni Moon at ikinangiti ni Azarea.

"Sige ho—"

"Anong sige ho?! Ipagpapalit mo ako?" nanlalaki ang matang tanong ni Moon kay Azarea na ikinangiwi naman ng dalaga.

"Hindi pa kasi tapos, bahala ka nga."

"Ano ba ang kasunod noon?" nakangising tanong ni Moon.

"Ikaw ang bahala, kung anong gusto mong idagdag ko," mapang-asar na tugon ng dalaga.

"Asawa ko, dapat hindi ganoon. Huwag mo akong ipamimigay," biglang imik ni Moon na ikinangiwi nina Sariya at Azarea.

"Kailan ka pa naging ganiyan, anak? Asawa ko? Noon ay hindi naman ako tinatawag na ganiyan ni Adam hanggang hindi kami ikinakasal," biglang singit ni Sariya.

"Torpe kasi si ama," nagmamayabang pa na sagot ni Moon.

"Sino kaya iyong naglasing—"

"Ina!" namumulang pigil ni Moon kay Sariya. Hindi kasi alam ni Azarea ang naging pag-uusap ng mag-ina noong araw na iyon sa ilog.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon