Kabanata 5

23 5 1
                                    

Nakahiga sa kaniyang kama si Azarea at nakabalot sa kaniyang katawan ang kaniyang kumot. Masyadong malamig ang panahon sa kanila at aaminin niyang mahina rin siya sa lamig. Gusto naman niya ang hangin ngunit kapag umaga.

Sumilip siya sa isang bagay na naroroon na tinatawag na orasan pero hindi niya alam kung paano malalaman ang oras sa pamamagitan noon. Basta sinabi lang sa kaniya ni Sariya kung para saan iyon. Sa kanilang mundo, malalaman ang oras sa pamamagitan ng liwanag at dilim sa kapaligiran at iyon ang gagawin niya ngayon para malaman kung gaano na kalalim ang gabi.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Sigurado siyang tulog na si Moon at si Sariya kaya kailangan niyang maging maingat.

Matagumpay niyang nabuksan ang pinto at dahan-dahan naman siyang naglakad palabas.

Isang hakbang nalang ang kailangan niya para makarating sa pinto palabas nang bigla niyang marinig ang pagtunog ng baso na tila ba ipinatong ito.

May kaba man sa kaniyang dibdib, agad parin siyang lumingon sa kusina at tiningnan kung sino iyon. Malakas ang pakiramdam niyang si Moon iyon dahil alam niya ang presensya at kaba niya kapag si Moon ang nasa paligid. Sa isiping magkasama sila sa iisang bahay, nakakakaba itong talaga pero lalo na kapag mas malapit ito sa kaniya ay doble ang kaba nito. Alam niya, kaba lamang ito. Walang iba kung hindi ang kaba. Kaba na hindi pa niya nararanasan kung hindi ngayon lamang.

"Saan ka pupunta?" malalim ang boses na tanong ni Moon.

Tama nga ito, si Moon nga ang naroon pero bakit gising pa ito? Iyon ang ipinagtataka niya, dapat ay tulog na ito dahil kita niyang malamlam ang mga mata nito kanina.

"S-sa labas," kinakabahang sagot niya rito.

Nilingon niya ang binata. Wala pa rin itong damit pantaas ngunit may tuwalya na nakapatong sa balikat nito kaya hindi naman siya masyadong naiilang rito.

"Bakit? Malamig na sa labas, baka magkasakit ka pa," paalala ng binata na ikinatango naman ni Azarea.

"Nais ko lang alamin kung anong oras na," pag-amin nito.

"Hindi ba at mayroong orasan sa iyong silid?" tanong ni Moon at saka lumagok ng tubig.

"H-hindi ako marunong tumingin ng oras sa pamamagitan noon."

Tumango lamang si Moon at saka inubos ang tubig nito. Napatingin naman si Azarea sa paraan ng paglunok nito ng tubig. Itinago niya ang kaniyang paghanga sapagkat baka mahalata siya ni Moon. Pero ano bang magagawa pa niya, sadyang magandang lalaki si Moon at kung tutuusin ay kayang-kaya nitong makuha ang atensyon ng lahat ng babae sa mundo pero napakaimposibleng makuha niya ang atensyon ni Moon sapagkat siya ay hindi tao at isang hamak na Agos lamang na hindi na tatagal sa mundo.

Naalala niya ang diyamanteng nakatago sa kaniyang bulsa. Mula nang makarating sila sa mundo ng mga tao, hindi na niya muli pang tiningnan ang mga diyamante. Alam niyang nababawasan ito at ang nais na lamang niya sa ngayon ay ang tanggapin ang parusa ng ipinataw sa kaniyang ina na siya naman ang sumalo.

"May nasabi ba akong mali? Bakit ka umiiyak?"

"Ah—"

"Huwag mong sasabihin sa aking dahil na naman ito sa kung anumang napanood mo. Magagalit na talaga ako sa mga ibon kung ganoon," sabi naman ni Moon na agad na ipinagtaka ni Azarea. Hindi niya alam kung anong pinupunto ni Moon. Kung bakit ito magagalit sa mga ibon.

"H-hindi. . . may naisip lamang ako," sagot ni Azarea habang umiiling.

"Sino iyong bumabagabag sa isip mo?" seryoso at walang emosyong tanong ni Moon.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon