Kabanata 22

19 5 0
                                    

"Nais kong lumipad," nakangusong sabi ni Azarea habang nakasilip sa bintana ng silid ni Moon. Naroon din naman si Moon, bahagyang nakahiga at nagbabasa ng libro.

"Makakalipad ka naman kasi may pakpak ka. Mayroong ibang tao na gustong makalipad pero walang pakpak kaya lipad ka lang, prinsesa ko," tugon naman ni Moon na nakatuon pa rin ang atensyon sa librong binabasa nito pero binigyan lamang niya ng pasulyap na tingin si Azarea.

"Kasi iba naman kayong mga tao. Sa katunayan, mas may pakpak kayo, mas mataas kayo kung lumipad para sa pangarap," depensa ni Azarea.

"May mga pangarap na mahirap abutin kagaya mo pero minahal mo ako kaya dream came true," nakangiting sagot ni Moon kasabay ang pagkindat nito at saka tinuon na naman ang sarili sa binabasa na ikinakunot ng noo ni Azarea sapagkat hindi niya naintindihan ang huling sinabi ni Moon.

"Hindi ko naman naintindihan pero alam kong may sinabi kang dapat na ikakilig ko, tama ba?" papalapit na tanong ni Azarea at saka umupo sa tabi ni Moon at kinuha niya ang librong hawak nito.

"Sabi ko, natupad na ang pangarap ko. Pangarap kong mahalin mo ako at dahil nangyari na iyon, natupad na nga ang pangarap ko. Dream came true, Azarea," paliwanag ni Moon at saka inilahad ang kamay para kuhanin ang librong kinuha ni Azarea pero sa halip na ibalik ito ay inilagay ito ng dalaga sa kaniyang likod.

Napangisi na lamang si Moon sa ginawa ni Azarea at agad niyang inilapit ang mukha niya sa dalaga. Biglaan ito kaya napasinghap si Azarea sa ginawa nito. Nanlaki rin ang mata nito dahil sa gulat kaya nabitiwan niya ang libro na agad na nilimot ni Moon habang nasa kaniya pa rin ang tingin.

"Ikaw ba, anong pangarap mo?" pabulong na tanong ni Moon na ikinalunok ni Azarea. Hindi pa rin kasi siya makagalaw dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya, naririnig na nga niya ito.

"Pangarap kong makapunta sa buwan, nais kong lumipad papunta roon pero napakaimposible naman na mangyari ang ganoong bagay kaya napakalabo noon," malungkot na tugon ni Azarea.

"Ako na lamang ang pinakamalapit na buwan dahil sa aking pangalan," nakangiting saad naman ni Moon para pagaanin ang nararamdaman ni Azarea.

"Maganda ang buwan sa labas," pagpaparamdam ni Azarea.

"Baka iwanan mo na naman ako sa bubong," napangiwing sagot ni Moon na ikinatawa ng dalaga.

"Hindi na! Hindi na kita iiwanan doon."

"Sige na nga," pagpayag ni Moon at saka dahan-dahang tumayo.

"May masakit ba sa iyo? Bakit ganiyan ka kung kumilos?" nagtatakang tanong ni Azarea.

"Medyo masakit lamang ang aking likod pero kaya ko naman," tugon ni Moon.

"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Azarea na ikinatango ni Moon bago sila tuluyang lumabas.

"Malalapitan ko kaya ang buwan?"

"Azarea, pinaplano mo talagang makarating doon?"

"Oo, kaya nga nagpapasalamat akong may pakpak ako dahil parang kaya kong lumipad papunta sa buwan," nakangiting sagot ni Azarea kaya inakbayan siya ni Moon.

"Makakarating ka nga roon pero mapapagod ka. Hindi ka naman pwedeng huminto kasi mahuhulog ka."

"Kapag nawala ako, tingnan mo na lamang ang buwan dahil doon ako pupunta," sabi ni Azarea sa kaniyang isip.

Lumipad na nga si Azarea kasama si Moon. Nakangiti at masayang-masaya si Azarea na lumilipad habang pinagmamasdan ang buwan habang si Moon naman ay nakatitig lamang sa masayang dalaga.

Kinabukasan, saka natuloy ang pagpipintura ng bahay. Maaga silang gumising para maghanda ng mga gagamitin.

"Ina, saan ba tayo magsisimula?" tanong ni Moon habang hawak ang mga pintura.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon