"Dahil mahal ko ho ang aking ina rito at si Moon. Hindi ko kayang malayo sa kanila," sagot ni Azarea.
"Talagang pinipili mo ang mga taong iyan kaysa sa akin na iyong ina?!"
"Dahil higit silang mabuti kaysa sa iyo," tugon ng dalaga.
"Wala akong pakialam kung gaano sila nagpakabuti sa iyo pero ako ang iyong ina at sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" galit na sigaw ni Kinarra na ikinaatras ni Azarea.
"Hindi ako sasama!"
"Bakit ba napakahirap sa iyo na iwanan ang mga iyan ha?! Sabihin mo—"
"Dahil mahal ko si Moon at hindi ako papayag na mapalayo sa kaniya!" may paninindigang sagot ni Azarea na ikinagulat ni Kinarra pero agad ring napalitan ng galit.
"Anong?! Hindi mo maaaring mahalin ang lalaking iyan!"
"At bakit hindi? Hindi ba at minahal mo rin ang kaniyang ama? Mas mali iyon," ganti ni Azarea na ikinaapoy sa galit ng kaniyang ina.
"Huwag na huwag mong ibabalik ang nangyaring iyan. Huwag mong ipagkumpara dahil pareho kaming Agos at kayo at magkaiba. Hindi maaaring mag-ibigan ang kalhating tao at ang Agos!"
"Wala akong pakialam sa kung ano man ang bawal. Ano...paparusahan ninyo ako? Sige lang!" hamon ni Azarea na nanggigilid ang luha.
"Hindi ko ipinagbabawal iyon, Kinarra," sabad ng inang reyna.
"Ngunit ako ang reyna kaya may karapatan akong magbawal!"
"Mas mataas ako sa iyo kaya wala kang magagawa roon," sagot pa ng inang reyna.
"Ina, talaga bang kinakampihan mo ang pasaway kong anak na iyan?!" galit na tanong ni Kinarra.
"Dahil sa inyong dalawa, ikaw ang nagmumukhang pasaway na anak."
"Walang kwenta," komento ni Kinarra.
"Kung alam ko lamang na ganiyan ang magiging ugali mo, sana ay hindi ko ipinasa sa iyo ang pagiging reyna," prenteng saad ng inang reyna.
"At kanino mo ibibigay ang tronong para sa akin, kung ganoon?" mataray na sambit ni Kinarra.
"Sa taong mas nararapat," seryosong sagot ng inang reyna na nakatingin kay Sariya kaya agad na nagulat si Sariya.
"Huwag mong sabihing sa babaeng iyan mo ibibigay ang trono ko?!"
"Umuwi na tayo dahil malaki na ang napinsala mo. Muntik mo nang tuluyang mapinsala ang buong Monasteria kaya sumunod ka na sa akin," sagot ng inang reyna.
"Hindi nga ako aalis nang hindi kasama ang aking anak!"
"Hindi nga ako sasama sa iyo! Ilang beses ko bang dapat na sabihin iyan?!" suway ni Azarea kaya agad siyang pinatamaan ng kidlat ni Kinarra pero agad na pinigil ito ng inang reyna kaya hindi gaanong natamaan si Azarea. Nagkaroon ito ng kaunting sugat sa braso na ikinagalit ni Moon.
"Kung hindi mo kayang magpaka-ina, umalis na lamang ho kayo dahil nasasaktan lamang ninyo ang sarili ninyong anak!" galit na sigaw ni Moon na ikinangisi ni Kinarra.
"Anak, tama na," pigil ni Sariya.
"Talagang matapang ka, anak ni Adam," nagtitimping tugon ni Kinarra.
"Ikinararangal ko kung papuri man iyan," walang emosyong sagot ni Moon.
"Bakit hindi mo ako labanan kung talagang matapang ka?"
"Kinarra!"
"Ina!"
"Anak, huwag!"
Sabay-sabay na reaksyon ang nangyari noong sinabi iyon ni Kinarra at binalot ng takot at galit ang paligid.
BINABASA MO ANG
Azarea [ COMPLETED ]
FantasySa isang natatago at mahiwagang mundo sa kanlurang bahagi ng Monasteria na tinatawag na Agoshopeia, magsisimula ang lahat. Bunga ng kasakiman ng reyna ng Agoshopeia, pinatawan siya ng mahigpit at malupit na parusa. Ang kaniyang anak ay dadalhin sa m...