Kabanata 8

18 6 0
                                    

“Ina, ako na ho ang maghuhugas ng mga plato. Maupo muna ko kayo,” saad ni Moon at saka malawak ang ngiting nilapitan ang ina. Sumunod naman si Sariya dahil umupo siya para magtahi.

Inumpisahan na nga ni Moon ang paghuhugas ng mga plato at nang matapos ito ay naabutan niyang nagwawalis ang kaniyang ina kaya agad niyang inagaw ang walis tambo.

“Ako na ina, magpahinga na muna ako,” masayang sabi ni Moon sa ina.

“O-oh sige, ikaw bahala,” nagtataka pa ring sagot ni Sariya at saka umupo ulit.

Nang matapos siyang magwalis, naabutan naman niya si Sariya na hawak ang walis tingting.

“Ina, magwawalis kayo sa bakuran? Ako na ho, diyan na lamang kayo at maupo,” masayang tanong at presinta ni Moon matapos makita ang kaniyang ina.

“H-ha? Sige, kung iyan ang gusto mo,” nakakunot na sang-ayon ni Sariya at saka naupo na naman.

Naisipan ni Sariya na kuhanin ang mga damit sa kwarto para maglaba ngunit bigla na namang dumating si Moon.

“Ina, maupo na lamang kayo diyan dahil ako na ang gagawa niyan. Ako na ang maglalaba,” nakangiting presinta ni Moon at saka inagaw ang mga damit pero agad na tumambad roon ang panloob na pantaas ni Azarea na ikinanlaki ng mata ni Moon at saka napalunok.

“Ano, ikaw ang gagawa? Ako na, ano ba kasing nangyayari sa iyo ha? Kanina mo pa ako pinagpapahinga simula umaga kaya wala na akong nagagawa, nais mo bang manigas na ako kakaupo? Hay naku, anong nangyari sa iyo, Moon? Napasobra ka sa kasipagan. Hindi ka naman ganiyan. Hindi ako sanay,” puna ni Sariya at pinaningkitan ng mata ang anak.

Napanguso lamang si Moon dahil sa sinabi ng ina dahil napaisip nga siyang napasipag nga siya ngayong araw. Hindi sanay ang ina niya na ganoon siya kung gumawa sa bahay. Oo nga at tumutulong siya pero ganadong-ganado siya ngayon.

“Ano nga? Bakit sobrang sipag mo ngayon? Huwag mong sabihing gumagamit ka—”

“Ina! Hindi naman ako gumagamit,” biglang pigil niya sa ina.

“Bakit tila hindi ka napapagod? Paano mo maipapaliwanag iyon?” tanong ni Sariya na nakapamay-awang.

“Kasi ina…ang gwapo ng anak ninyo,” tanging tugon ni Moon at saka napakagat sa labi na tila pinipigil ang malawak nitong ngiti.

“Anak, mas mahangin ka pa kaysa kapag may bagyo,” hindi makapaniwalang sabi ni Sariya at saka naglakad patungong banyo para ituloy ang paglalaba.

“Hindi naman ina, totoo naman ang sinasabi ko kahit itanong pa ninyo kay Azarea!” pahabol na sabi ni Moon at saka ngingiti-ngiting lumabas ng bahay para magpahangin. Naupo lamang siya sa upuang naroon, sa ilalim ng malaking puno na tumatakip sa mainit na sikat ng araw at nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin.

“Hindi ba at pinapapili mo ako kung sino sa inyong dalawa ni Stanley ang mas gwapo sa paningin ko?”

“Hmm,” sagot lang ni Moon na nag-aabang sa susunod na sasabihin ng dalaga.

“Nakapili na ako at sa inyong dalawa, mas nakakakuha ng atensyon ang kagwapuhan…”

“Nino?” kinakabahang tanong ni Moon.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon