Kabanata 6

21 6 0
                                    

Walang umiimik, walang gumagalaw at lahat sila ay tinitingnan ang bawat isa. Hindi inalis ni Sariya ang kaniyang paningin sa dalawang anak na nasa kaniyang kaharap. Si Moon, hindi rin inalis ang tingin sa kaniyang ina at kay Azarea at ganoon rin naman si Azarea, hindi niya inalis ang paningin kay Sariya at kay Moon.

Ilang minuto pang katahimikan nang mauna nang magsalita si Sariya. 

“Lampas na ang araw ng mga patay pero bakit ganiyan ang mga mata ninyong dalawa, tumulog pa ba kayo? Umamin ha, natulog kayo?”

“Opo,” sabay na sagot ni Azarea at Moon at saka nagkatinginan na naman.

Takang-taka si Moon sapagkat noong pumunta naman siya sa silid ni Azarea ay mahimbing na ang tulog nito pero bakit puyat pa rin ito. Nagtataka rin si Azarea dahil ang akala niya ay natulog na agad si Moon nang matapos siyang punasan sa paa.

Naging sanhi ito ng pagnguso ni Azarea at pagkurap nang maraming beses. Si Moon naman, napakunot ang noo at kung titingnan ay parang may inaalala ito.

Ang gulo nila, inaasahan siguro nilang lahat na tulog na ang bawat isa kagabi.

“Hindi kayo natulog. Bakit pa ba ako nagtanong, halata naman talaga sa inyong mga mata na hindi,” natatawang sabi ni Sariya at saka umiling.

Binigyan lamamg niya ng tig-isang tasa ng kape ang dalawa at saka niya kinuha ang kaniyang payong.

“Maiiwan ko muna kayong dalawa ngayon sapagkat sasamahan ko lamang ang aking kaibigan sa pagpunta sa kabilang bayan. Kayo na muna ang bahala sa inyong mga sarili. Moon, huwag mong tatakutin si Azarea,” bilin pa ni Azarea na ikinangiwi ni Moon. 

Hindi nga niya alam kung bakit ito natatakot sa kaniya.

“Sige po, ina. Mag-iingat po kayo roon,” paalam ni Azarea at saka niyakap si Sariya. Sadyang napakalambing ni Azarea pagdating kay Sariya. Hinalikan naman siya ni Sariya sa pisngi at saka tinapunan ng tingin si Moon.

“Ipagpapalit na kita anak kay Azarea,” banta ni Sariya na ikinangisi lamang ni Moon.

Tumayo naman siya at agad na nilapitan si Sariya. Niyakap niya ang kaniyang ina pero dahil sa katabi pa rin ni Sariya si Azarea, hinila ng ina si Azarea kaya napasali ito sa yakapan nilang mag-ina. Naging grupong yakapan ang kinalabasan nito.
Kinabahan na naman si Azarea sa ilalim ng yakap ni Moon. Si Moon naman, nakangisi lamang, ngingiti-ngiti.

“Sige na, aalis na ako. Magpakabait kayong dalawa ha?” sabi pa ni Sariya at saka tuluyang umalis.

Nang makaalis ang ina, parang biglang may dumaang uwak. Napakatahimik at walang umaalis sa kanilang puwesto. Tumikhim lamang si Moon bago magsalita.

“Hindi ka rin nakatulog?” tanong nito at base sa pagkakatanong nito, mukhang siya na rin ang umaming hindi siya nakatulog kagabi.

“H-hindi,” sagot naman ng dalaga at saka pasimpleng sinulyapan si Moon pero nakatingin pala si Moon sa kaniya kaya bigla niyang iniwas ang tingin niya.

“Bakit hindi?” muling tanong ni Moon na ikinanlaki ng mata niya.

“B-bakit kailangang malaman mo? H-hindi lang ako makatulog dahil…basta,” sagot naman ni Azarea na ikinangiti ni Moon. Nasa isip pa rin ni Azarea ang lahat ng pangyayari kagabi, napakadaming nangyari at hindi agad niya ito maiproseso sa isip niya kaya hindi na siya nakatulog. Binabagabag siya ng mga ito.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon