Kabanata 27

22 6 2
                                    

"Saan ka pupunta?" naiiyak na tanong ng isang batang lalaki.

"Sa malayo at hindi na tayo magkikita pang muli," malungkot na sagot ng isa pang bata.

"Maaari ba akong sumama sa iyo? Paano na ako? Wala akong kasama rito."

"Hindi ka maaaring sumama, aking kaibigan."

"Iiwan mo na ako?" umiiyak na tanong ng bata.

"Oo, iiwan na kita at patawad kung maiiwan kitang mag-isa. Hindi kita makakalimutan, paalam," umiiyak na paalam ng batang lalaki at saka tuluyang tumakbo paalis.

Nagising muli si Moon matapos ang panaginip na iyon. Napakalabo ng mukha ng batang iyon noong nanaginip siya at tila ngayon ay unti-unti nang lumilinaw ang mukha nito. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin niya matukoy kung sino iyon.

Napasabunot na lamang siya sa kaniyang sariling buhok at agad na umupo mula sa pagkakahiga. Nilingon muna niya ang dalaga na nasa tabi niya. Magkatabi silang natulog at napakahimbing ng tulog nila dahil doon. Mahimbing pa rin itong natutulog kaya agad niyang inayos ang pagkakakumot ng dalaga. Napakasarap titigan ang mukha ng dalaga pero bakas ang pagod rito.

Tumayo muna siya para maligo. Nang matapos ay saka siya pumuntang muli sa silid para tabihan si Azarea kung sakaling natutulog pa rin ito.

Tulog pa nga ang dalaga kaya humigang muli si Moon para yakapin ito. Napansin naman niya ang munting paggalaw ng kamay ng dalaga at pagkunot ng noo nito na paminsan-minsan pa ay humihikbi. Nananaginip si Azarea

"Gising na, Azarea. Nananaginip ka," malambing na pagkakasabi ni Moon at saka hinalikan ito sa noo.

Dahan-dahang mumulat ang mata ni Azarea at muli itong napahikbi.

"Bakit? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Moon.

Umiling lamang si Azarea. "W-wala, ang sama lamang ng panaginip ko," malungkot na sagot ni Azarea.

"Shh, nandito lamang ako," pag-aalo ni Moon at saka hinigpitan lalo ang pagkakayakap.

"Sa panaginip ko, ang dami kong pinatay. Moon, ayokong pumatay para lamang mabuhay ako. Hindi ko kayang makitang naghihirap ang iba habang ako ay masayang nabubuhay kasama ka. Pasensya ka na Moon ha, hindi ko kayang pumaslang para mangyari ang gusto natin," pagkukwento ni Azarea na tipid na ikinangiti ni Moon.

"Kasi Azarea, may puso ka at napakabuti ng pusong iyon. Hindi ka makasarili at dahil din doon kaya kita minahal. Ayoko ring maging makasarili Azarea kahit na gusto kong magkasama tayo."

"Masaya ako Moon dahil alam natin kung ano ang tama," mahinang saad ng dalaga.

"Dito ka na muna at ikukuha na kita ng pagkain, ipaghahanda kita ng pagkain dahil asawa kita at karapatdapat kang alagaan at ituring na reyna," nakangiting sambit ni Moon na ikinatibok ng puso ni Azarea.

Hindi nga nagbabago, kinikilig pa rin siya sa mga salitaan ni Moon. Kahit na mag-asawa na sila, para lamang silang nagkakagustuhan tapos hindi pa magkaaminan gaya noon.

Nang makalabas ng silid si Moon ay malungkot siyang napatingin sa ina na naghahanda ng kakaibang pagkain.

Alam naman ni Sariya kung bakit nalulungkot si Moon. Pinipilit lamang nitong magmukhang malakas para kay Azarea kasi kapag naging mahina siya ay baka mas malungkot si Azarea. Ayaw pa naman nitong nalulungkot ang binata.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon