A/N: Sinusulat ko ito habang nakikinig sa Last Night Melancholy kaya umiiyak ako habang ginagawa itong kabanata na ito. Subukan rin ninyong patugtugin ang kantang iyan habang nagbabasa. Split screen is the key HAHAHA. Enjoy reading, goodnight. ಥ‿ಥ
Nanatili si Moon sa labas ng pinto ni Azarea. Nakaupo lamang siya doon habang lumuluha nang tahimik. Pinipigilan naman niyang hindi umiyak paminsan-minsan pero parang may sariling buhay ang mata niya dahil bigla na lamang itong lumuluha.
Ayaw ni Azarea na nasa loob ang binata. Kanina, noong matapos sabihin ni Azarea ang kaniyang nais ay itinaboy niya si Moon. Makulit ang binata, ayaw nitong iwanan mag-isa roon ang dalaga. Kahit anong taboy ni Azarea ay hindi siya umaalis o kumikibo man lamang. Nanatili siyang nakahawak sa kamay ng dalaga, mahigpit na mahigpit kahit na paulit-ulit rin siyang binibitawan ni Azarea. Pilit na pinabibitaw at pinapaalis. Paulit-ulit na niyayakap kahit na patuloy siyang itinutulak palayo. Hinahaplos ang mukha kahit ang kamay ay patuloy na pinapalis.
Ang tanging nakapagpaalis lamang sa kaniya ay ang mahigpit na pagyakap ni Azarea. Nakakatawang isipin na noong itinataboy siya ng dalaga ay hindi siya umalis subalit noong niyakap siya nito ay doon niya pinakinggan ang dalaga.
"Moon, nagmamakaawa ako. Lumayo ka muna sa akin, maaari ba? Kasi mas lalo lamang akong nasasaktan kapag nakikita kita," humahagulhol na pagmamakaawa ni Azarea habang mahigpit na nakayakap kay Moon.
"Hindi ka ba masasaktan kapag hindi ako nagpakita? Hindi ka ba masasaktan kapag wala ako sa tabi mo?" mabigat na tanong ni Moon.
Napakagat na lamang ng labi si Azarea para itago ang malakas na hagulhol dahil sa sobrang bigat ng puso niya. Parang may tinik sa kaniyang lalamunan.
"Hindi...hindi ako masasaktan," pagsisinungaling ni Azarea na ikinapikit ni Moon. Masakit para sa binata ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang pinakamamahal.
"Ako kaya, hindi ba ako masasaktan?" bulong ni Moon.
"Mas magiging madali sa iyong tanggapin ang pagkawala ko kung hindi mo ako makikita hanggang sa araw na nakatakda."
"Azarea, bakit naman ganito? Bakit ganoon? Bakit kailangang magkaganito ang lahat? Nagmahal lang naman tayo, hindi ba? Pinakinggan lamang naman natin ang kung anong gusto ng puso natin, hindi ba? Bakit naman ang ikli ng panahon para sa atin? Napakaraming tanong pero wala akong makuhang kasagutan doon. Hindi ko alam kung saan ako makakakuha," huling sabi ni Moon at saka hinalikan ang noo ng dalaga at tinitigan ito.
BINABASA MO ANG
Azarea [ COMPLETED ]
FantasySa isang natatago at mahiwagang mundo sa kanlurang bahagi ng Monasteria na tinatawag na Agoshopeia, magsisimula ang lahat. Bunga ng kasakiman ng reyna ng Agoshopeia, pinatawan siya ng mahigpit at malupit na parusa. Ang kaniyang anak ay dadalhin sa m...