Kabanata 2

43 7 0
                                    

Minadali ni Moon ang pagpunta sa pamilihan. Agad siyang bumili ng damit na babagay kay Azarea at sapin sa paa. Hindi biro ang maghanap ng damit at sandalyas sapagkat hindi naman niya tukoy kung ano ang sukat ng dalaga. Alam niyang medyo may kapayatan ang dalaga at tama lamang ang sukat ng kaniyang paa subalit wala siyang maisagot sa mga tindera sa tuwing tinatanong siya ng mga ito tungkol sa eksaktong sukat ng kaniyang bibilhin.

“Hayaan ninyong ako ang mamili, kaya ko ito,” inis na sagot niya sa mga makukulit na tindera at saka napabuntong-hininga.

Kakayanin ko ito!

Halos libutin niya ang buong pamilihan dahil wala siyang makitang babagay sa dalaga.

“Heto po oh, nakatitiyak akong kakasya at babagay ito sa inyong kasintahan,” alok ng tindera na kanina pa siyang pinagmamasdan.

Tinapunan niya ng tingin ang hawak nito ngunit napakunot lamang siya ng noo.

“Hindi mo pa nga siya nakikita at nakikilala pero alam mong bagay at kasya na sa kaniya iyang hawak mo.”

Napahiya naman ang tindera sa sinabi ni Moon pero pinagpilitan parin niya ang hawak niyang damit.

“Sige na, Sir. Ito oh, bagay ito. Maniwala kayo sa akin.”

Napapikit na lamang si Moon at napatingin muli sa damit. Isa itong kulay pulang bestida na walang kamay. Napakanipis nito at napakaikli. Sigurado siyang makikita ng maraming kalalakihan ang binti, maging ang braso at likod ni Azarea kapag isinuot niya iyon. Kaya sino siya para piliin ang damit na iyon, tiyak na malalaman nila na Agos si Azarea at mapapahamak ito.

“Sinabing hindi ko nga iyan gusto para sa kaniya,” sagot ni Moon sa tindera at saka ito iniwan mag-isa.

Habang naglalakad si Moon, nakita niya ang isang matandang babaeng tinutulak ang kaniyang panindang mga damit. Sa nakikita niya ay mukhang uuwi na ang matanda dahil wala nang bumibili rito.

“Ah lola, saan ho kayo pupunta? Pauwi na ho ba kayo?” agad na tanong ni Moon sa matanda at saka tinulungan itong magtulak. 

Hindi pinansin ni Moon ang tinginan ng mga tao sa kaniya pati na rin ang init ng araw na tumatama sa kaniyang balat.

“Oo, salamat hijo. Ako ay aalis na sapagkat wala namang bumibili ng aking paninda. Mas gusto ng mga tao sa ngayon ang mga kasuotang lalabas ang kanilang mga pinakatatago-tago,” sagot ng matanda at saka napatawa.

Napabaling naman ang atensyon ni Moon sa mga tinda nito at saka nakakita ng kulay rosas na bestida. May kamay itong tatakip sa buong braso ni Azarea. Malambot rin ang tela nito at abot hanggang itaas ng tuhod ang haba. Kinuha ito ni Moon at saka binayadan sa matanda.

Hindi maipaliwanag ng matanda ang saya sapagkat nakita niya na hindi ito binili ni Moon dahil sa awa kung hindi dahil sa nagustuhan talaga ito nito.

Naghanap rin ito ng sapin sa paa sa tinda ng matanda at nagtagumpay siya sa pagpili. Nakatagpo kasi siya ng sandalyas na may kauting taas.

Idinagdag na rin niya ang pang-ipit ng buhok na kulay rosas rin at mga pangloob na kasuotan na nakita niya sa tinda ng matanda. Pagkatapos nito ay binayadan na niya ang matanda at binilhan pa ito ng maiinom.

“Salamat ulit sa iyo, hijo. Sigurado akong magugustuhan iyan ng iyong kasintahan,” paalam ng matanda.

Napahawak na lamang si Moon sa kaniyang batok at saka ngumiti na halos mawala na ang mata nito.

Azarea [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon