Chapter 9

33.9K 227 2
                                    

The bell rang and it woke me. That's when I realized it's already dismissal. Nakatulog na naman ako sa huli kong klase. At hindi na naman ako nakapagnote.

Sinukbit ko ang bag ko. Hindi ko inabala ang sarili ko na kumausap sa kahit na sino sa mga kaklase ko para humiram ng notes. It's obviously because I have no friends. Kahit nga ang lab partner ko ay hindi ko rin masyadong nakakausap. Parang ngang lahat ng tao dito sa campus ay lalong naging mailap sakin. Considering na mailap akong tao tapos nagiging mailap pa sila. Ibig sabihin, mas lalong wala akong pag-asa na magkameron ng kaibigan bukod sa mga dati ko ng kaibigan.

On the other hand, I suddenly thought of Kenner's friends. Na ngayon ay natatanaw ko sa aking paglalakad. Papalapit actually ako sa kanila. Kasama nila si Kenner. May usapan kami na sasama ako sa kanilang magdinner. These past few days din kasi mas madalas na sila ang kasama ko. Dahil sa mga practice ni Kenner, obligado akong sumama as her girlfriend.

Natanaw naman na agad ako ni Kenner. Nginitian niya ako. Dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga kasama niya at lingunin ako.

"Hey, Max!" bati ni Jed sakin. Na binati na rin ako sunod-sunod ng mga kaibigan pa nila.

Hindi nabagong may mga babaeng kaakbay ang iba sa kanila. May mga babae silang kasama parati. Mga magaganda at sexy. At pagsinabi kong sexy—I mean sexy talaga. Mga malalaking dibdib, nakacroptop, curvy, at malalaki ang puwet. Magaling silang pumili ng mga babaeng sinasama nila. Ganon nga siguro ang perks ng pagiging sikat.

Unusual na nga lang tingnan na si Kenner lang ang walang partner sa kanila na noon ay madalas ko ring nakikitaan na parating may kabuntot na babae. And it's obviously because he's in relationship with me.

Though minsan hindi pa rin maiwasan na meron pa rin talagang mga babaeng nagtatry. Kahit sa harap ko pa. But Kenner never disappoints me. He may still be friendly and nice but that just the way he is. Hindi na siya ang flirt na Kenner na kilala ko. So I'm doing him a favor. He deserves my company. Dahil alam kong pinapatunayan din ni Kenner na hindi siya ganong klase ng lalaki kapag naggirlfriend siya.

"Hey.." bati ko naman na sa kanila. Soot ang maliit na ngiti sa labi ko.

"Let's go guys! My girlfriend is here." nagpamauna si Kenner sa paglalakad as he holds me by my elbow.

"Ako na magdala ng bag mo?" he asked.

I shake my head, "It's fine." sabi ko. Nagtataka pa rin ako bakit tinatanong niya ako nito dahil alam naman niyang tatanggihan ko siya.

Napalingon naman ako sa mga kasama niya. Ang iba ay nakaakbay sa mga kasama nilang babae na halos magbanggaan na ang mga ulo nila. Ang iba nakahawak sa mga baywang ng mga ito. May ibang babaeng nakapulupot sa braso nila o nakayapos naman habang naglalakad kami. Just by looking at them, iisa lang ang laging naiisip ko—too much PDA's.

Kung gaano kaexpose ang mga kasama ni Kenner sa mga ganong bagay ay kabaligtaran naman niya pagdating sakin. Considering na ganon naman na siya sa ibang babae noon. He never holds me like that in the public. Minsan inaakbayan niya ako kapag nasa bar kami. But most of the time he just holds my hand. Hinahawakan lang niya ako sa kahit saan parte ng kamay ko hanggang braso. Pabor akong hindi niya itinutulad sa mga babae niya noon. But somehow napapaisip pa rin ako kung bakit nga ba. Dahil masyado ng gasgas ang rason kung sasabihin niyang nirerespeto niya ako.

Napagdesisyunan na sa isang resto bar magdinner.

May kanya-kanyang kwentuhan ang nabuo sa loob ng restaurant. Paminsan-minsan nakikinig lang ako kila Kenner at Jed na sinasali ako sa usapan. Mostly ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga Dance Competition na sinasalihan nila.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon