Chapter 28

22.6K 126 0
                                    

Hindi ko na napigilang maiyak. Nasasaktan ako ng sobra, hindi lang dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan ko kundi na rin dahil sa matinding takot na nararamdaman. Ngayon lang ako nakakita ng ganong klase ng galit. Gagawin nito ang lahat para makapanakit. At natatakot ako sa pwede pa nitong gawin. Kahapon lang ay binato ako nito sa ulo. Nawalan ako ng malay at dinala sa clinic. Parang walang awa ang taong iyon. Ngayon lang may gumawa nito sakin. Noon hanggang salita lang ang pambubully ng mga taong may ayaw sakin. Pero ngayon, may handa ng saktan ako. Natatakot ako kung hanggang saan ako nito kayang saktan.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko, may dalwang lalaking dumating.

"Pedrosa!?" gulat kong narinig ang aking pangalan. Kilala ako ng mga ito. Nilapitan nila ako. May pag-aalala sa kanilang mukha pero bakas din ang galit sa mga ito. At habang pinagmamasdan ko sila ay napagtanto kong mga kaibigan sila ni Kenner.

Sila.. ang kasama ni Kenner noong pinaghigantihan niya ako kay Janine.

Mas tumindi ang takot na naramdaman ko. Masyado na akong mahina sa sandaling ito. Nararamdaman ko na ang panginginig ng buong katawan ko. Naninikip na masyado ang dibdib ko at pakiramdam ko ay kahit na anong oras titigil sa pagtibok ang puso ko. Ayokong masangkot sa mga klase ng taong katulad nila. Dahil.. katulad lang din sila ni Warren. Wala silang mga awa.

"Umalis kayo. Iwan niyo ako!" pilit na sigaw ko. Halatang nawawalan na ako ng lakas. Hindi ko na kayang ipagtanggol ang sarili sa mga pwede pang mangyari. Ang nararamdaman ko sa sandaling iyon ay tila pinapatay ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pagod na pagod ako physically at mentally.

"Narinig namin ang mga nangyari. Kailangan naming malaman kung sinong gumawa sayo niyan."

Gulat kong tinapunan sila ng tingin. Napayuko naman ako ng hindi makayang tingnan ang mga taong ito. Anong alam nila? Paanong nalaman nila? Ano bang mga tao sila? Paanong nakarating agad sila?

"Kapag nakita ka ni Kenner, siguradong mag-aalala yun sayo ng sobra. Kailangan na matapos ang kahibangan ng taong iyon sayo." sambit pa nila.

Humakbang ako palayo sa mga ito. Bumibigat na ang paghinga ko. Naglaro sa isip ko ang mga nangyari kay Janine. Ang mga sinapit ni Janine sa kamay nila. Ang mga karumaldumal na ginawa nila kay Janine. Kung paano nila sinira ang buhay ni Janine. Sa pagkakataong ito ay gusto nilang gumanti na naman sa isang tao. Sigurado.. masama na naman ang gagawin nila. Siguradong wala na namang kapatawaran ang mga paghihiganti nila. Nakakaawa ang mga taong nasasangkot sa kanila. Ayokong may sumunod pa kay Janine. Ayokong may masiraan pa ng buhay katulad ng ginawa nila kay Janine!

"Ayoko ng gulo. Please, lubayan niyo ako." pinilit kong humugot ng lakas at saka mabilis na kinuha ang mga gamit ko. Nilisan ko ang classroom na iyon. Narinig kong tinawag nila ako at siguro sinubukan na sundan pa rin ako. Pero nagpapasalamat akong sa pagkakataong iyon ay nagkameron ako ng sapat na lakas para tuluyang makatakas sa kanila.

Tumambay lang ako sa backbuilding pagkatapos nun. Pinakalma ang sarili. Binuhos at nilabas ang sakit at takot na nararamdaman. Wala akong tigil sa pag-iyak. Halos maubos ang bakanteng oras ko sa pag-iyak. Sa totoo lang ay gusto ko na lang sanang umuwi pero mas ayokong mag-alala si Mama sakin. Ayokong makita niya na ganito ang kalagayan ko. Mas hindi ko kakayanin kapag pinakelaman pa ako ng ibang tao. Baka lalo lang akong sumabog.

Gusto ko lang bigyan ang sarili ko ng sapat na oras na ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Dahil kapag nagtagal akong mag-isa, siguradong mag-iisip lang ako. Kung anu-ano lang iisipin ko. Mas lalo lang akong mahihirapan. Mas makakaramdam lang ako ng takot. Kahit sa sandali lang na iyon ay gusto kong ubusin ang lahat ng nararamdaman ko. Pagkatapos nun pipilitin kong maging okay na. Aabalahin ko ang sarili sa mas makabuluhang bagay. Baka sakaling makalimutan ko ang lahat ng mga masasakit na nangyayari sakin ngayon.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon