Ngayon ang final exam nila Kenner. Pagkatapos ng klase ko ay kinumusta ko siya tungkol sa exam niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang maging abala siya sa magiging performance ng psyren pati na sa pagtatapos ng summer class niya. Ngayong weekends kasi ay magsisimula na ang Beat Street—Isang dance competition sa tv. At lahat ng mga sumusuporta sa psyren ay talagang nasasabik na.
Naglalakad ako ngayon palabas ng lobby nang makasalubong ko naman si Chad.
"Max!" tawag niya sakin. Lumapit ako sa kanya.
"Uuwi ka na ba?" tanong ko.
"Chad, let's go." napalingon naman kami pareho sa tumawag sa kanya. Si Nika. Bakas sa mukha niya ang pagiging btch habang nakikipagsukatan ng tingin sakin.
"Sabay kaming uuwi ni Nika. Gusto mo bang sumabay?" agad akong nag-alinlangan sa tanong na yun ni Chad.
"Yayain sana kita pero siguro next time na lang." tumalikod naman na ako pagkatapos nang biglang sumulpot kung saan si Zero.
"Nandito ka pala." aniya pagkalapit sakin.
"Sige, Max una na kami." paalam ni Chad.
Binaling ko naman muli ang pansin sa taong kaharap, "Anong kailangan mo?"
"Sumama ka samin." napakunot ako sa suhestiyon nito. Malamang tatanggihan ko siya. Pero hindi ko agad nagawa nang bigla na namang may mga sumulpot sa harap ko at niyakap ako. Nagulat ako at hindi agad nakilala ang mga ito.
"Maxine~" sabay na tawag sakin nila Kulin at Hannah. Gulat ko silang pinagmasdan. Sa likod naman nila ay natagpuan ko si Leo.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"It's Friday today! We should hang out!"
"Palabas na kasi ang avengers! Diba nangako kang manonood tayong magkakasama!" ani Hannah.
"At sinabi ko bang ngayon yun?" sarcastic kong sabi. Nakita ko namang natawa si Leo, "Anyways, bakit kailangan niyo pa akong gulatin dito sa school ko."
"Nabanggit samin ni Zero na dito siya nagsasummer class."
"At since pupuntahan ni Leo si Zero ngayon ay sumama na kami. Nalaman na lang din namin kay Leo na kaklase ka pala ni Zero."
"Si Zero ay sa FMU din nag-aaral. Kaklase siya ni Leo sa mga irregular subjects niya. Kaya medyo nakaclose na rin namin."
Napatingin naman na ako sa Zero na yun. Saka ko naunawaan kung anong ibig sabihin niya nung nakaraan.
"Pero sana sinabihan niyo man lang akong pupuntahan niyo ako."
"Sinabi ko na sayong biglaan nga!" may paghampas pang sabi ni Kulin habang natatawa-tawa. Bahagya ko siyang sinamaan ng tingin.
"Kung ganon mauuna na kami." biglang paalam ni Leo. Kumaway naman na sila Kulin at Hannah sa kanila.
Bago umalis ay may sinabi pa ulit si Leo, "Nga pala Max, kinukumusta ka sakin ni Nika. Hindi ba kayo nagpapangita lately." bigla ay parang kinabahan ako sa sinabi niya. Pero binalewala ko rin agad at ngumiti na lang sa kanya. Umalis naman na sila pagkatapos.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.