"Do you still love him?"
Napamaang ako sa tanong niya. Hindi ako makapaniwalang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig niya. All this time, sigurado akong naiintindihan na namin ang isa't-isa. Sigurado akong hindi naman na ako nagkukulang pa.
Mahal ko siya. At alam kong alam niya..
"Marahil naguguluhan ka lang sa totoong nararamdaman mo. Marahil all this time—Siya pa rin pala talaga."
Umiling ako. Unti-unting naninikip ang dibdib ko. Parang nabibingi ata ako. Umiinit ang mga ilalim ng mga mata ko. Sobrang sakit sa loob ko ang mga naririnig na ito.
Gusto ko siyang abutin. Pero hindi siya tumitingin sakin. Unti-unti na rin akong natatakot sa malamig na pakikitungo niya. Hindi ko nagugustuhan ang takbo ng mga nangyayari. Bakit humantong sa ganito..
"Akala ko magagawa kong tuluyan na makuha ka sa kanya. Akala ko magagawa mo na tuluyan na kalimutan siya. Akala ko kaya kong maghintay. Pero sobrang sakit na talaga."
"Ang pananatili mo sa tabi ko habang minamahal mo siya ay parang torture sakin. Ang pagmamahal ko sayo ay unti-unti lang akong pinapatay. Nahihirapan na ako at napapagod na.. ayoko na.."
Tuluyan na lumandas ang mga luha sa kanyang mukha. Parang piniga ang puso ko sa mga nasaksihan.
"Mas mabuti nga sigurong lumayo na tayo sa isa't isa." gusto ko sanang habulin siya noong tuluyan siyang tumalikod sakin at iwan ako. Ngunit nanghina ako. Bumigat ang pakiramdam ko. Naguguluhan sa mga nangyayari.
Naramdaman ko na lamang na umiiyak na rin pala ako..
Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako gayong lahat naman ng mga sinabi niya ay alam kong hindi totoo. Nasasaktan ako dahil hindi ko maintindihan bakit sinasabi niya ang mga iyon. Hindi ko maintindihan kung paanong pinagdududahan niya ang pagmamahal ko. Kung paanong nagkulang pa rin ako sa kabila ng pagpapakatotoo ko.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.