Chapter 38

21.3K 123 3
                                    

I was ready to confront my mom about the Alumni thing but I forgot that my father was there. Kasama niya si Papa while she was so excited showing me the dress she bought na ipinasadya niyang isosoot ko sa Alumni. Wala talaga akong plano na umattend sa Alumni na iyon. Maaga ang alis ko kinabukasan katulad ng napag-usapan namin ni Kenner kaya buo ang desisyon kong hindi aattend ng Alumni. Pero muling sinisira ni Mama ang mga plano ko. Hindi ko alam kung ano na namang tumatakbo sa isip niya. But I am sure about one thing, she's doing this on purpose because I disappointed her. She was so disappointed dahil hindi ko iniharap sa kanya si Kenner.

My father was so glad to see Leo again. Bago kami umalis ni Leo sa bahay ay nagkakwentuhan pa sila ni Papa. At bakas sa mukha ni Mama ang kasiyahan sa mga nangyayari. It seems like how she imagined it to happened.

"Your father really likes Leo." aniya.

"Pero may iba na akong nagugustuhan." pagdidiin ko. Nandito pa kami ni Mama sa loob habang dinudungaw sila Leo at Papa na masayang nagkukwentuhan sa labas. Inaayos pa ni Mama ang buhok ko.

"Kahit konti ba talaga ay wala na?" pagpipilit niya.

"Huwag niyo ng ipilit, Ma."

Napahuntong hininga siya habang pumupunta sa harap ko. Walang bahid ng kahit na anong inis sa kanyang mukha, "Alam kong nagsasawa ka na anak sa paulit-ulit na ginagawa ko sainyo ni Leo. Pero huwag mo sanang isipin na ginagawa ko ito para saktan ka. I just can't let go of him. He is too good to be true for you. Nakikita ko sa kanya ang Papa mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Aminado akong nacurious kahit konti. Pero binalewala ko agad iyon.

"Ang taong minamahal mo sa kasalukuyan ay masyadong komplikado. I don't think maibibigay niya sayo ang klase ng pagmamahal na deserve mo."

"Hindi niyo pa po kilalang lubos si Kenner." pagmamatigas ko.

Tinitigan ako ni Mama. Nanatili pa rin siyang kalmado at hindi ko sigurado kung pinipigilan lang ba niya ang sarili niya na patulan ako. Hinaplos niya pa ang buhok ko na ikinagulat ko. Bahagya akong natakot, "I'm so glad na nagiging maayos na ulit kayo ng Papa mo. That's what matters to me right now. Pero hindi ko rin kayang walang gawin at isantabi na lang ang pagkakasira niyo ng dati mong nobyo. This is too much for him, Max. Sana maisip mo iyon. Ngayong alam mo na ang rason niya sa lahat ng mga nangyari sainyo noon, hindi ba't dapat lang na magkaayos na kayo. Hindi ko na hihilingin pa na bigyan mo siya ng pagkakataong patunayan niya ang sarili niya sayo. It's not necessary anyway dahil inlove ka na sa ibang tao ngayon. Pero sana huwag ka namang maging malupit sa kanya. Ang lahat ng pagmamalupit na ginagawa mo sa kanya ay masyadong unfair para sa kanya."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. At aminado akong lahat ng mga sinabi niya ay totoo.

"What if Leo didn't stop loving me? Na kaya siya patuloy na nasasaktan ay dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. I can't be with the person he is now. Kung patuloy kaming magiging malapit sa isa't isa, may ibang tao naman akong masasaktan. Ayokong masaktan ang ibang taong iyon."

"Hindi naman siya masasaktan kung may tiwala siya sayo." ngumiti si Mama. This time I know she's being sarcastic.

"This will be the last time, Ma. This will be the last time na hahayaan ko kayong paglapitin kami ni Leo." naninindak kong sabi.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon