Ilang beses kong sinubukang contactkin si Kenner. Alam kong hindi siya sasagot sa tawag ko dahil marahil abala siya sa photoshoot nila ngayon. Ganunpaman hindi ko pa rin magawang itext siya. Nag-aalinlangan pa rin ako. At nangingibabaw din ang kunsensyang nararamdaman ko.
Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Chad. Naisip ko rin ang mga nangyari noon sa cafeteria.
'Natatakot ka ba sakin?'
'Ayoko lang na nasasaktan ka. Ayoko lang na ginagalaw ka ng ibang tao'
'Sumaglit lang ako para masiguradong ligtas si Max. At hindi na siya magagalaw ng taong iyon.'
Napayuko ako at niyakap ang sariling mga tuhod. Hindi ko napigilang maiyak nang maglaro ang mga sinabi noon sakin ni Kenner. May isang bagay akong napagtanto sa mga nangyayari. Na kung siguro kung ako ang nasa posisyon niya ay ganon din ang gagawin ko. May kakayahan si Kenner na ipaghiganti ako sa mga taong iyon. Ginamit lang niya ang kakayahan niyang iyon. Dahil ganon naman talaga ang tao, hindi sila natututo hangga't hindi sila nabibigyan ng leksyon. Ginawa lang iyon ni Kenner para matuto ang mga taon iyon sa mga maling ginawa nila sakin. Bagkus natakot pa ako sa kanya sa rason na kagagawan ko naman. Hindi ko siya lubos na inintindi. I'm being unfair to him. Ayaw lang niya na nasasaktan ako ng ibang tao bagkus naging malupit pa ako sa kanya. Siguradong.. nasasaktan ko siya.
'I love you..'
Pagkatapos ng mga nangyari, sa huli naging maunawain pa rin siya. Imbes na sumbatan ako sa inasta ko, hinayaan pa niya ako. Palagi na lang niya akong hinahayaan. Hindi man lang siya nagagalit sakin kahit pa marami siyang rason para magkaganon. Pagkatapos ng pagmamalupit ko sa kanya, sa huli naging mabait pa rin siya. Hindi man lang siya nagpakita ng kahit na anong bakas na nainis siya sa inasta ko. Nakukunsensya ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya.
Nang gabing iyon, tinext ko siya at humingi ako ng tawad. Batid kong magiging mahabang muli ang gabing iyon na wala akong gagawin kundi ang mag-iiyak.
Hindi ko alam kung anong oras yun nang makaidlip ako. Nagising lang ako dahil sa paulit-ulit na tunog ng phone ko. At nang kunin ko ito ay saka ko lang din napansin ang oras—Ala-una ng madalig araw. Pero ang higit na pumukaw ng pansin ko ay makita ang pangalan ni Kenner sa screen nito. Agad ko naman yun sinagot.
"Nandito ako sa harap ng bahay niyo." aniya sa kabilang linya. Mabilis naman akong kumilos at dinungaw siya mula sa bintana. Nakumpirma kong hindi panaginip ang mga nangyayari ng sandaling iyon.
Nagmadali naman akong lumabas ng bahay at sa wakas ay muli siyang natanaw. Lumabas ako ng gate at sinalubong naman na niya ako. Sandali naming tinitigan ang isa't isa—parehas na walang kibo at nakapako lang sa kinatatayuan. Hanggang sa maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Ngayong napagmasdan kong muli siya—Ngayong nasa harap ko na muli siya, napagtanto kong miss na miss ko na pala talaga siya.
Paanong imbes na yakapin siya at magpasalamat sa kanya nang sandaling iyon ay bagkus nagalit pa ako sa kanya at kinasuklaman siya sa ginawa niya. Paanong natiis ko ang taong ito sa napakawalang-kwentang dahilan. Hindi dapat ako natakot sa kanya. Hindi dapat ako nagalit sa ginawa niya na para lang naman sa kapakanan ko. Paanong pagkatapos ng mga masasamang inasta ko sa kanya, sa huli ramdam ko pa rin na handa niya akong tanggapin? I really don't deserve him..
"I'm sorry." usal ko sabay yakap niya sakin. Naramdaman ko ang init mula sa mga yakap niya. Niyakap ko siya ng mas mahigpit na ginantihan din naman niya. Sobrang miss na miss ko siya. Gusto kong habang-buhay na nayayakap siya ng ganito..
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Подростковая литератураYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.