"You dare hurt my girl."
Nakakasindak at talagang nakakapangilabot ang mga tinig na yun ni Kenner. Sa sandaling iyon ay batid kong galit na galit siya. Hindi ko man nakikita ang nangyayari pero binabalot na agad ako ng matinding takot. Tila may pumipigil sakin na silipin sila.
"Bakit?! May balak ka ulit gumanti sakin? Binalik ko lang naman ang mga ginawa sakin ng mga kasama mo! Pinagsasapak nila ako at pinagkaisahan kahit wala naman akong ginagawa sa kanila! Ang girlfriend mo ang kaaway ko pero nakikisawsaw sila. Kaduwagan!-Hmm!"
"Naging mabait sayo si Max. Ipinagtanggol ka pa namin sa mga taong nambubully sayo. Tapos ganito ang igaganti mo."
"K-Kasalanan mo to-o-K-kung h-hindi na-man kasi ikaw ang b-boyfriend niya-hindi naman na d-dapat ako magagalit s-s-s-sa k-kanya-! PWA!" naririnig kong parang nagsuka si Warren. Ano ng ginagawa ni Kenner sa kanya..
Paulit-ulit na naririnig ko ang pag-ubo ni Warren.
"Anu-anong mga ginawa mo kay Max?"
"K-Kung akala mo m-mata-takot ako sa'yo, nagkakamali ka! Nag-iisa k-ka lang.."
"Narinig kong tinulak mo siya." biglang may kumalampag. Wala pa ring tigil sa pag-ubo si Warren.
"Sinabunutan."
"AHHHH!!!" napatakip na ako ng tainga nang malakas na kalampag muli ang narinig bukod sa malakas na pagsigaw na iyon ni Warren.
"Hindi ba ganyang-ganyan ang mga ginawa mo sa kanya? Sabihin mo sakin kung anu pa."
Hindi na ako nakatiis. Dapat ko ng mapigilan si Kenner. Sumilip ako-
"Sana pala hinayaan ko na lang na bully-bullyhin ka ng mga taong yun. Sana pala nung natuklasan ko ang sakit mong ito ay binalaan na kita. Sana pala hindi na kita binigyan ng pagkakataon. Sana noon pa lang sinira ko na ang buhay mo dahil iyon naman talaga ang nararapat sa mga walang kwentang taong katulad mo."
"At ano-Sa tingin mo h-hindi ka naiiba sakin-!? Sa nakikita kong hitsura mo ngayon-n-nakukumpirma kong-m-may pagkakatulad tayo-"
Napatakip ako ng bibig ng apakan ni Kenner sa bandang leeg si Warren. Halos masakal si Warren at mahirapang makahinga. Pero ang higit na sumindak sakin ay ang paraan ng pagtingin ni Kenner sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkawalan ng kunsensya. Madilim man pero-ang hitsura na iyon ni Kenner ay talagang nakakapangilabot. Hindi ko halos makilala kung siya ba ang taong minamahal ko. Ang mga tingin niyang iyon ay halos patayin si Warren.
"Sabihin mo sakin kung anu-anong mga ginawa ko kay Max."
"Ahhhkk!!"
Tuluyan ng pumatak ang mga luha saking mga mata. Nanginginig na ng matindi ang buo kong katawan. Hindi ko makayang panoorin ang nakikita. Gusto ko mang pigilan si Kenner ay tila nangibabaw sakin ang matinding takot. Pakiramdam ko ay ikakamatay ko rin oras na makita niya ako.
Nanahimik ako at nagtago na lang. Pinilit kong takpan ang mga tainga ko para hindi sila marinig. Pinigilan kong huwag mahikbi para hindi nila malaman kung nasaan ako.
"Mas mabuti pa nga siguro kung ako na lang ang magdedesisyon kung paano kita sasaktan."
"AHH!!"
Paulit-ulit. Paulit-ulit kong naririnig ang pagdaing ni Warren sa sakit na nararamdaman niya. Paulit-ulit din akong naiiyak sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko man nakikita pero naiimagine ko kung paanong walang awa siyang sinasaktan ni Kenner. Kung paano ang hitsura ni Kenner habang sinasaktan niya ito.
Hindi iyon ang Kenner na minamahal ko..
Narinig ko ang boses ni Chad. Tinatawag niya ako pero masyadong malayo ang boses niya. Malayo siya sakin. Sinubukan kong tumayo para makalayo sa lugar na iyon. Kailangan na mapuntahan ko si Chad. Gusto kong ilayo na niya ako dito.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.