Chapter 33

22.2K 122 1
                                    

Sa isang korean restaurant kami kumain. Umorder sila ng tig-iisang beer para saming lima. Habang parehas na kinukulit nila Kim at Roxie si Zero tungkol sa kung anu-ano, inabala ko naman ang sarili sa mga pagkain na inorder namin. Naiinis lang ako at ang tagal maluto ng mga karne.

Naagaw naman ang atensyon ko nang maglagay ng lutong ulam sa pinggan ko si Marjohn. Siya ang kaharap ko, habang katabi naman na niya si Zero na kasalukuyang dinadaldal pa rin ng dalwang fan niya.

"Salamat." sabi ko naman dito at kinain yun. Binalibaligtad niya ang mga karne at ginunting guntung iyon. Muli akong naghintay na may maluto sa mga iyon habang nilalantakan ang mga side dishes na nasa harap ko.

"Gusto ko nga palang humingi ng tawad sa lahat ng mga nasabi ko sayo noon. Sa lahat ng mga nangyari. Hindi sana ako nagpadala sa emosyon ko."

Tiningnan ko siya pero agad ding binawi, "Hindi lang naman ikaw, lahat naman ng tao ay iyon ang iniisip tungkol sakin. Sanay na ako at hindi na masyadong nagpapaapekto pa." Tinulungan ko siya sa pagbabaligtad ng mga ulam.

"Hindi ka sana napahamak kung naprotektahan agad kita. Kung sana lang may nagawa agad ako nung malaman ko agad na may nananakit sayo."

"Hindi mo ako responsibilidad, Marjohn." sabi ko.

Bahagya siyang natahimik. Napayuko siya.

"Ang totoo, umasa kasi ako simula pa lang nung araw na nakilala kita na iba ka. Iba ka sa lahat ng mga babae at sigurado akong hindi ka basta-basta mapapalapit sa isang Kenner Jan. Natutuwa akong maobserbahan na naiiba sa lahat ang paraan mo ng pakikitungo sa kanya. Ngunit mabilis na nasira ang paniniwala at pag-asa na iyon ng isang gabi. Hindi ko alam kung anong nangyari ng gabing iyon para biglang magbago ang desisyon mo. Pero sigurado akong may ginawa sayo si Kenner para mapabago niya ang isip mo. Naniwala ako na kahit naging kayo na ay hindi pa rin nakukuha ni Kenner ng tuluyan ang loob mo."

Inalis ko naman ang mga luto ng ulam at pinalitan iyon ng mga hilaw, "Hanggang sa isang araw maghiwalay nga kayo. Katulad ng inaasahan ko ay maghihiwalay kayo dahil ganon naman talaga si Kenner. Hindi siya tumatagal sa isang relasyon. Hindi siya nagseseryoso sa iisang babae. Naging interesado lang siya sayo pero nagsawa din nung nakuha ka na. Akala ko maiintindihan mo na ganun iyon. Akala ko ikaw ang higit na makakaintindi na ganun siyang klase ng lalaki. Akala ko kamumuhian mo siya at lalayuan na. Naniwala ako na tapos na ang lahat sainyong dalwa."

"Pero bumalik ka na naman sa kanya. Bumalik ka sa hindi ko malaman na dahilan. Malinaw na malinaw naman na hindi kayo para sa isa't isa. Maraming humahadlang. Pero ganon naging napakadali sayo na makipagbalikan sa kanya at pagkatiwalaan siya. Pinagsigawan niyo pa na kayo na. Sobra akong nadisappoint sayo na masyado ka ng nahumaling sa kanya. Katulad ka rin pala ng iba."

"Hindi ko ganon kakilala si Kenner. Hindi kami ganon kalapit sa isa't isa pero hindi naman ako bulag para hindi makita na walang babaeng hindi nahuhumaling sa kanya. Alam ko ang abilidad niya at kung anong meron siya para madali niyang makuha ang babae basta ginusto niya. Nung una, naintindihan kong baka ganon lang kung kaya't nahulog ka sa kanya. Sa pangalwa, inisip kong baliw ka na. At sa huli.. nakita ko ang katotohanan. Naunawaan ko rin sa wakas kung anong nakikita mo sa isang Kenner Jan."

Tinitigan ko siya habang sinasabi niya yun, "Patawad. Nagpadala ako sa emosyon ko. Hindi ko lang siguro matanggap na sa huli.. si Kenner pa rin talaga ang pipiliin mo. Si Kenner pa rin sa kabila ng lahat ng mga nangyayari at sinasabi nila sainyo. At ang tanging magagawa ko na lang para matanggap yun ay maging masama ang tingin sayo.. sa kabila ng nararamdaman ko para sayo. Ang kamuhian ka ang tanging paraan ko lang para matanggap kong wala talaga akong pag-asa sayo. Ngayon ay sigurado na ako sa nakuhang sagot. Tanggap ko na ang lahat ng tungkol sainyo ni Kenner. Na kahit na anong mangyari, ang mundo niyo ay umiikot lang sa isa't isa. Na kahit na sinong pumasok sa mundo niyong dalwa, mananatiling ang isa't isa niyo lang ang inyong nakikita."

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon