"Weren't you hungry?" bigla niyang tanong. Bungisngis na bungisngis siya habang pinagmamasdan ako. Napagtanto ko naman kung bakit. May hawak akong pagkain pero hindi ito ginagalaw. Bagkus nakatulala lang ako sa kanya.
"So tell me, why'd you suddenly call me? Do you miss me that much that you can't wait for tomorrow to see me? Akala ko ba magrereview ka lang buong weekends." hindi maalis ang nanunuksong mga ngiti sa kanyang mga labi. I get that he's only making fun of me. Pero wala ako sa mood para sabayan ang mga banat niya. Masyadong madaming gumugulo sa isip ko simula pa kahapon. At gusto ko lang ng kasagutan. Gusto ko lang ng kasiguraduhan. Dahil pakiramdam ko mababaliw ako. Hindi ako makakatulog sa kakaisip ng sagot.
I sarcastically laughed but tried my best to hide it from him. Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka kumain. Everything that Leo told me haunts the hell out of me. I keep convincing myself not to believe in his words but I at least want one sign. Isang sign na pagbabasehan ko. And I need that sign from Kenner. I trust Kenner and believe he won't disappoint me. Hindi ako magkakamali kay Kenner gaya ng palagi niyang pinapatunayan sakin.
"I need to tell you something." curiosity flashed on his face.
"Alam mo naman na college friend ko rin si Leo, diba?" nagtaka naman siya saka yumuko at tumango. Muling tumingin sakin at ngumiti. Hinintay kong sa kanya mismo manggaling kung anong ipinaparating ko ngunit walang natanggap na tugon mula sa kanya, "Nakakasama ko siya."
Bahagya siyang natigilan pero ngumiti pa rin, "Naiintindihan ko naman. So okay na kayong dalwa?" umiwas siya ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang kinakain. Inobserbahan kong mabuti ang mga kilos ni Kenner.
"You could say it's like that." sabi ko.
"Good to know." tumango siya. Tiningnan ako at sinabi, "I'm not worried at all, Max. Kaya kumain ka na." tumawa pa siya.
"May sinabi sakin si Leo." pinagmasdan niya ako. Hindi man lang ako makaramdam ng kahit na anong tensyon mula sa kanya, "He told me something about Janine."
Kumain pa ulit siya at parang napaisip pa, "His girlfriend? What about her?"
Pinigilan ko ang sarili na diretsuhin siya sa kung ano talagang gumugulo sa isip ko. Ayoko ng maulit yung ginawa ko noon na pinagdudahan ko agad siya nang hindi nalalaman ang side niya. Ayokong nasasaktan siya. Ayokong masaktan siya ng mga salita ko. Gusto kong siya mismo ang magkwento sakin kung talagang may mga nangyayaring dapat na malaman ko.
"Magkasama daw kayong dalwa kahapon?" at saka ko nga nakita ang nakakatakot na mukhang yun ni Kenner. Nagsimula kaming balutin ng tensyon.
"His girlfriend told him that?" aniya.
I kind of disappointed of his response. Pinapaligoy-ligoy niya ako, "Hindi ko alam. Sinabi niya lang sakin na magkasama kayo kahapon." pagsisinungalin ko.
"Hindi ka nagtanong kung paano niya nasabi na magkasama kami ng girlfriend niya? Does it make sense to you Max na magkakasama kami ng girlfriend niya?"
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinipigilan ko ang sarili na huwag sabihin sa kanya ang totoo, "Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinasabi niya." pigil na singhal ko. Sa sandaling yun ay hindi ko na siya magawang tingnan.
"Naniniwala ka ba sa kanya?" aniya. Gulat naman akong napatitig sa kanya. Saka naglibot ang mga tingin ko kung may nakakapansin ba samin. Ayokong mag-away kami. Ayokong dito pa kami mag-eskandalo.
Gusto kong magalit kay Kenner sa sandaling yun. Ramdam ko ang pagpipigil sa sarili. Pinipigilan kong sumabog ang emosyon ko. Ramdam ko ang sama-sama na ng tingin ko sa kanya. Iniipit niya ako sa mga tanong niya. Parang may gusto siyang ipamukha. Natatalo ako sa kanya. Where in the first place gusto ko lang naman malaman ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.