Chapter 25

25.5K 149 1
                                    

"Max." bati sakin ni Kenner nang makapasok ako sa cubicle namin. Nandito kami sa library. Naupo naman ako sa tabi niya at napansin ang mga notes niyang nagkalat, pati na ang ilang libro na sa tingin ko'y kanyang hiniram.

"May mga tanong ka na?" tanong ko. Patukoy ko sa kanyang inaaral.

"Actually—Yes. And I've got a lot on my plate." nagpout siya. Pero natatawa dahil sa paggamit ng idiom na iyon.

"Anong part?" lumapit naman na ako sa kanya. Tiningnan ko ang mga topic na pinag-aaralan niya.
Inisa-isa kong inalala kung familiar sakin ang bawat topic na iyon.

"Alam ko ang iba dito. Tapos yung iba siguro pag-aaralan ko na lang." kinuha ko naman na iyong librong mga hiniram niya. Sinimulan kong hanapin ang mga topic na mga pinag-aaralan niya.

Abala kong pinagtutuunan ng pansin ang mga notes ni Kenner, nang maramdaman kong hawakan niya ang aking buhok. Ang ilang strands pa nito ay kanyang sinabit sa aking tainga. Kaya naman mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakapangalumbabang siyang nakatitig sakin. Nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.

"Why are you in such a hurry. We have plenty of time pa naman. It's like 4pm pa lang." aniya.

"Kailangan kong iwan ka muna. May group assignment kami na kailangan ipresent bukas." paliwanag ko na nagpatuloy pa rin sa ginagawang pagtetake notes.

"Why didn't you say so? Dapat mas iprioritize mo yan kung ganon." aniya. Bakas ang pag-aalala sa mga tinig niya.

"Kaya ko naman kasing pagsabayin. Pag-aaral mo rin naman kasi ang nakasalalay sa ginagawa natin."

Wala siyang naging tugon. Pero ramdam kong nakatitig lang siya sakin. Hindi ko na lang pinansin at nagfocus na lang sa ginagawa. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa pagtetake notes sa ilang mga topic. Binalik ko sa kanya ang notebook niya na may mga sulat ko.

"Pag-aralan mo yang mga sinulat ko. Kung may hindi ka maintindihan, itanong mo na lang sakin mamaya. Babalikan kita." hindi ko na siya hinintay na may sabihin at agad din akong umalis.

Naghanap ako ng mga libro na magagamit ko sa assignment ko. Nagbasa at nagtake-note ng ilang mga topics tungkol dun. Nakatanggap naman na ako ng text kung nasaan sila Yexel. Pumunta rin ako doon pagkatapos.

"May mga notes na kaming napag-usapan pero hindi pa sigurado kung anong final." paliwanag sakin ni Roxie.

"Pero bago ang lahat, dapat mafinalize natin kung anong bansa ang dapat nating icompare sa Pilipinas."

Isa-isa nilang pinaliwanag ang mga natake-note nila hanggang sa ipaliwanag ko rin naman yung parte ko. Pare-parehas din naming ibinahagi sa isa't isa ang mga opinion namin at nang marinig ang mga iyon ay saka nagfinalize. Hinati-hati namin ang paggagawa ng powerpoint na may kanya-kanyang sakop tungkol sa topic na napili namin.

"Pwede bang sa ibang lugar ko na gawin ito. Babalik din agad ako." paalam ko sa kanila.

"Sige. Pero by 6 dapat nakauwi na tayo hah." ani Yexel. Tumango naman na ako.

Mabilis akong naglakad pabalik sa cubicle namin ni Kenner. Abalang-abala naman siya sa pagsusulat at hindi na napansing nasa likod na pala ako. Saka lang niya napansin ang presensya ko nang makaupo ako sa tabi niya.

"Kumusta?" sabay naming tanong sa isa't isa. Natawa siya at isinenyas na mauna ako.

"Babalik din ako sa mga kagrupo ko. Gusto ko lang silipin kung kumusta na ang ginagawa mo. Dito ko na rin gagawin iyong parte ko sa assignment namin para makapagtanong ka sakin." paliwanag ko.

"As of now, may ibang part naman na naiintindihan ko ng gawin dahil sa mga notes mo. Iyong iba namang hindi ko magets ay niligdangan ko muna para itanong sayo kapag natapos ka na sa ginagawa mo. Kaya tapusin mo muna yang ginagawa niyo. Gagwin ko muna yung mga kaya kong isolve." he smiled to assure mo.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon