Nakatanggap ako ng text kay Kenner, nasa parking lot na siya. Kaya naman doon ako dumiretso pagkalabas ko ng library. Nakita ko naman na nakasandal siya sa kotse niya. May mga estudyanteng lumalapit sa kanya para batiin siya. Nakalapit naman na ako sa kanya.
"Max!" niyakap niya ako pagkakita sakin. Niyakap ng mahigpit. Ginantihan ko iyon. At ramdam kong miss na miss na talaga namin ang isa't isa.
"I missed you so much." tinapik-tapik ko siya sa likod. Sa pagkakataong ito ay wala akong pakialam sa ibang tao.
Kusa siyang bumitaw sakin. Lumandas ang kamay niya sa parehong kamay ko at hinawakan iyon. Napansin kong napako ang tingin niya sa soot kong bracelett, "Let's go? Nagpaluto ako ng mga masasarap na pagkain sa bahay." ngitinian namin ang isa't isa. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.
Wala sa bahay nila Kenner ang parehong magulang niya. Mga kasambahay lang ulit ang mga kasama namin. Kumain na muna kami ng hapunan. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa kanyang kwarto. Nilabas ko ang mga notes ko at sinabi sa kanya ang mga dapat kong aralin. Tinulungan niya akong maghighlight ng mga importanteng topics na maaaring makasama sa exam ko. At nang matapos ay nagsimula kaming magreview.
Habang nagrereview ako ay may nabanggit siya bigla, "Next weekends na nga pala ang main competition pero hindi pa iyon i-eair sa tv. Naisip ko, since bakasyon mo na nun ay baka gusto mong panoorin ang buong performance namin bago kami magperform sa actual. Siguro by friday pwede kang magstop by sa studio."
Nagliwanag ang mukha ko sa napakaganda niyang balita. Ramdam kong malalaki ang mga ngiti ko. Naexcite ako sa performance nila para sa semi finals pero mas naexcite ako na maaari ko siyang mapanood sa mismong studio na pinagpapractisan nila. Naexcite akong makasama siya ulit. Sobrang saya ko.
Parehas kaming nakangiti sa isa't-isa nang bigla siyang magtanong, "Anong oras nga pala kita ihahatid sa inyo mamaya, baka kasi makalimutan ko na naman at makatulog ako."
Bahagya naman akong nailang sa tanong niya. Pero agad kong naunawaan na nag-aalala lang siya. Siguro ay masyado siyang nabahala sa nangyari noon sa kanila ni Mama at ayaw niya lang masira ang tiwala nito sa kanya.
Gusto kong ipaalam kay Kenner na gusto na siyang makilala nila Mama at Papa pero pinanghihinaan ako ng loob. Bukod dun ay sobrang abala siya para agawan ko pa siya ng oras. Lalo na't nalalapit na pala ang semi final. Halos isang buwan din ang binigay na oras para makapaghanda sila. Pero dahil sa pag-aaral niya at kung anu-ano pang mga inasikaso nila ay halos dalwang linggo lang ang naging oras nila para mapagpractice at makabuo ng magiging performance nila. Masyado ng hapit ang oras niya para magdemand ako. Kaya sobrang natutuwa ako kapag nag-eeffort siyang magbigay ng oras sakin. Alam kong parehas lang naming namimiss ang isa't-isa pero kailangan niyang magsakripisyo dahil sa pangarap. At ang tangi ko lang magagawa para sa kanya ay suportahan at unawain siya.
Gayunpaman, nag-aalala pa rin ako kapag hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa sinabi Mama. Pakiramdam ko ay maling hindi ko sabihan si Kenner. Naiipit ako sa desisyong huwag ipaalam sa kanya. Dahil kahiy na ano pa mana ang maging desisyon ko ay parehas lang akong makakatanggap ng consequences. Maaari siyang kamuhian nila Mama at Papa at sa kabilang banda ay kamuhian niya rin ako dahil hindi ko man lang niconsider ang opinyon niya. Ayoko ng mga naiisip na consequences na iyon. Pero mas higit akong natatakot na baka maapektuhan ang performance niya sa oras na makaharap na niya ang mga magulang ko. Dahil nasisiguro ko na hindi magiging maganda ang epekto sa kaniya nila Mama at Papa.
"Max?" tawag niya sakin. Narealize kong natulala pala ako sa kanya.
"Ah—" bigla namang tumunog ang phone ko. Parehas na naagaw ang pansin namin kaya naman kinuha ko ang phone ko. Pero hindi ko nagawang sagutin ang tawag ni Mama dahil agad niyang naend ang call. Nagtext naman siya pagkatapos.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Подростковая литератураYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.