Ramdam kong nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umakyat ang niyerbos sa buong katawan ko. Inabot naman niya sakin ang pagkaing kanina lang ay hinahanda.
Lumayo ako sa kanya, "Bakit tayo nandito?" halatang kinakabahan kong anas.
"Dito tayo mag-aaral."
"Bakit dito?" hindi ko na maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
"Para walang makaabala satin."
"—Eh ano naman kung maabala tayo!?"
Bahagya siyang napatitig sakin. Nang bigla naman niyang pitikin ang noo ko, "Mag-aaral tayo syempre kailangan nating magfocus." tumawa siya.
Inobserbahan ko naman siya ng mabuti. Walang bakas ng kahit na anu para pagdudahan ko siya at pag-isipan ng malilisyosong bagay. Kasalanan ito ng nangyari samin kagabi!
Sinimulan ko na lang kainin yung binigay niya. Agad na natuon ang atensyon ko dahil sa kakaibang sarap ng pagkain na ngayon lang natikman. Ramdam ko naman na natutuwang pinapanood ako ni Kenner.
Nagsimula kaming mag-aral pagkatapos. Parehas naming tinulungan ni Kenner ang isa't isa sa pagrereview katulad ng palagi naming ginagawa. Hindi namin halos namalayan ang oras na ginugol namin sa pag-aral kaya pati ang mga subject na naaral namin ay hindi rin naming namalayang na halos lahat ay natapos na namin. Mas madaling magreview ngayon dahil maikli lang naman ang sakop ng midterms para sa summer class.
Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako. Bumalik ako sa ulirat ko nung mismong magising ako at maramdaman na nakahiga ako sa kama. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at napagtantong nasa kwarto pa rin ako ni Kenner. Tiningnan ko ang oras at nakitang hating gabi na pala. Inalala ko kung anong oras iyon na nakatulog ako dahil wala talaga akong maalala. Kasalanan ito ng pagkakapuyat ko kagabi!
Nilibot ko ang paningin ko at nakita si Kenner sa sofa. Natutulog na rin siya. Lumapit ako sa kanya. Habang pinagmamasdan siya ay naalala ko naman na ang Mama ko. Kinuha ko ang phone ko at nakitang nagmissed pala ito sakin. Tinawagan ko ito.
"N-Nandito po ako sa bahay ng kaklase ko. Hindi ko po namalayan na nakatulog ako."
"Anong oras na Maxine!? Diba't sabi mo ay sa Library ka lang pupunta!?" halatang galit niyang sabi.
Nagulat naman ako nang sumulpot ang mukha ni Kenner sa tabi ko. Nilahad niya ang kamay sakin. Parang bang humihingi siya ng permisyo na kausapin ang Mama ko. Napailing ako at natakot sa gusto niyang gawin. He mouthed 'believe me' at me.
Napabuntong-hininga ako, "Ma.. kasama ko po si Kenner."
"What!?—Ano bang iniisip mo!?" nagsisigaw siya sa kabilang linya.
Kinuha naman ni Kenner ang phone sakin.
"Hello po, ito po si Kenner."
"Anong ginawa mo sa anak ko!? Ano sa tingin niyo ang pinaggagagawa niyo!?" rinig kong asik ni Mama sa kabilang linya.
"Ma'am, pasensya po na hindi ko namalayan ang oras. Ihahatid ko na po siya pauwi ngayon."
"Dapat lang!!! Ayoko ng mauulit ito!!!" dinig kong nag-end ang call sa kabilang linya.
"I'm sorry." anas ko.
Tumigin sakin si Kenner, pinilit niyang ngumiti, "No. I'm sorry. Tara na ihahatid na kita." tumango ako.
Lumabas kami ng bahay at napansin kong wala ang sasakyan na kaninang gamit ng Mommy ni Kenner. Hindi ko naman na magawang itanong iyon kay Kenner. Hindi ko magawang kausapin siya dahil sa kahihiyang dinulot ni Mama. At dahil na rin sa kapabayaan ko.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.