"Hindi ko ganon kaclose si Kenner pero nakikita ko at nahuhusgahan kong mabuti siyang kaibigan. Halata naman iyon dahil madaming may gusto sa kanya." sambit ni Marjohn.
"Kilalang kilala siya ng lahat. At alam ng lahat kung gaanong lapitin siya ng mga kababaihan. Ang ganong klase ng lalaki ay hindi talaga maiiwasan pag-isipan ng masama. Kahit gaano pa siya katino, hindi rin ibig sabihin na hindi na siya magloloko pa."
Gulat kong nilingon si Marjohn. Hindi siya nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya na bahagyang napapayuko. May bakas ng pag-aalangan ang kanyang mukha at hindi ko masigurado kung akong anong ipinupunto niya. At kung naiintindihan ba niya ang sinasabi niya.
"Hindi ako naniniwalang kasalanan mo ang lahat, Max. Mas naniniwala ako sayo. Nakikita kong ikaw ang mas nasasaktan." tumingin naman na siya sakin. Nagkatitigan kami, "Hindi mo naman kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa mga katulad nila. Kung nahihirapan ka ay pwede ka namang sumuko. Mas magiging mabuti iyon sa'yo. At mas magiging madali para sa'yo ang lahat."
Nagbaba ako ng tingin.
Bahagya siyang umalis sa kinatatayuan. At nang bumalik ay hindi na hawak ang mga kaninang hawak-hawak niya. Lumapit siya sakin. At ikinagulat ko ang mga sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang parehong kamay ko. Ang isa na may hawak na paper plate habang ang isa naman ay may hawak na barbecue.
Nanatili akong nakaiwas ng tingin sa kanya.
"Masyadong komplikadong tao si Kenner. Lahat ng mga babae ay pinupursue siya. Ngayong nagbreak na kayo, siguradong maraming nag-aabang sa kanya." binitawan niya ako at pumunta siya sa gilid ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bahagyang ipinihit ang katawan ko paharap kung saan.
"Napapalibutan siya ng mga babae. At kahit saan ka tumingin sa paligid niya, mapapansin mong marami talagang may gusto sa kanya. Maraming susubok na maagaw siya. Maraming mga tukso na siguradong nakaabang sa kanya. Walang kasiguraduhan na sa'yo talaga siya kahit pa alam mong mahal ka niya."
Unti-unti ay nag-angat ako ng tingin sa taong tinutukoy niya. Natanaw ko si Kenner na masayang-masaya habang napapalibutan ng mga nakabikining mga babae. Ang mga babaeng iyon ay siguradong sinusubukan na kunin ang atensyon niya. Alam kong gumagawa sila ng hakbang para akitin si Kenner.
"Ang klase ng lalaking nagugustuhan mo Max ay masyadong mahirap mahalin. Masasaktan at masasaktan ka sa tulad niya. Mahihirapan at mahihirapan kang magtiwala sa katulad niya. Dahil ganyan siyang klase ng lalaki."
"Wala kang magagawa para baguhin siya. Wala kang magagawa para masigurong iyo talaga siya. Dahil kahit siya ay mismong hindi kayang patunayan iyon sa'yo. Kahit subukan niyang magbago. Lumayo sa lahat. Ang pagmamahal ng klase ng lalaking katulad ni Kenner ay hindi magiging sapat para sa'yo."
Naramdaman ko ang pagkawala ng mga hawak ni Marjohn sakin. Napayuko ako. Binitawan ko ang hawak na barbecue sa paper plate.
"Kailangan mong magdesisyon, Max. Ang kalimutan siya o ang patuloy na masaktan." dagdag pa niya.
Umayos naman na ako ng tayo. Hinarap ko si Marjohn. Ngumiti ako sa kanya. Saka siya nilagpasan para iwan ang paper plate ko sa lamesa. Kinuha ko naman ang drinks ko.
"Lahat ng sinabi mo ay totoo. Mahirap mahalin si Kenner. Nahihirapan akong pagkatiwalaan siya. Dahil.. ayoko naman talaga sa mga tipo niya. Sa totoo lang ay hindi sa mga katulad niya ako nahuhulog. Hindi ako kailanman naattract sa mga tipo niya."
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.