Lahat ng miyembro ng Thespian ay naroon. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na kung paanong napuno ang office ng mga miyembro. Bigla naman na lumabas si Chad at kinawayan ako. Lalapit pa lang ako nang mahigit niya ako sa braso papasok.
"Kenner was so awesome back there, Max. You must be really proud of him! Hindi ko maimagine ang dami ng taong nanonood doon sa event pero sa lakas ng sigawan doon sa napanood kong video, sigurado sobrang dami nun!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Chad. Bahagya akong nagpalinga-linga sa mga tao sa loob at tipong hinahanap ang presensya ng isang tao. I really don't intentionally want to look for her. Gusto ko lang malaman kung nandito rin ba siya.
"Hindi ko sigurado kung nabanggit sayo ni Kenner ang tungkol dito pero sabi kasi sakin ni Jed na ngayon lang nila iaannounce sa lahat ang tungkol sa isang mahalagang balita." biglang dagdag pa ni Chad. Tuluyan niyang nakuha ang atensyon ko. Nacurious sa ibig niyang sabihin.
"It looks like you have no idea?" nanghahamon niyang sabi. Nagkibit-balikat na lang ako bilang tugon.
Maya-maya din ay dumating na ang anim na miyembro ng Psyren ngunit kapansin-pansin na walang Kenner silang kasama.
"Hello, guys!" bati ni Jed samin.
"Nasaan si Kenner?" tanong sakin ni Chad.
Nagkibit-balik ako, "I have no idea. Hindi naman kasi kami madalas na nagsasabay pag-uwi. Wala rin siyang text sakin." sabi ko.
Nagtataka man, binaling na lang namin muli ang pansin sa nagsasalitang si Jed. Kinukwento niya ang nangyaring pagkapanalo noong nagdaang weekends.
"So as you know guys, we have an announcement to make. Our group recently received an email about this very good news." nagkatinginan silang apat at ngiting-ngiting ipinagpatuloy ang sasabin, "Magpeperform kami at ipapalabas iyon sa national television. Bukod dun, pasok kami sa isang sikat na dance competition sa isang tv show. Ang Beat Street!"
"Wow!!"
Nagsigawan ang lahat. Inugoy-ugoy ni Chad ang braso ko na kasalukuyang hawak niya. Nagkatinginan kami at naggantihan ng masasayang mga ngiti sa mukha. Muli kaming nakinig sa mga sinabi pa ni Jed.
"Sana maasahan namin ang suporta niyong lahat. Malapit na kami sa pinakapangarap namin. Ang magchampionship sa isang international dance competition!"
"As you can see, hindi namin kasama si Kenner ngayon. May biglaang lakad kasi siya, may isang talent agency ang kumontak sa kanya. Alam niyo naman na si Kenner ang pinaka-ace ng Psyren, kaya naman sigurado naman kami na susuportahan niyo siya!" nagtawanan sila.
"Mag-aartista na ba si Kenner?" biglang may nagtanong.
"Hindi namin sigurado. Pero this weekend ay may photoshoot ang buong Psyren. Bukod doon, gusto nilang kunin si Kenner sa isang Solo Photoshoot. Mukhang ganon na rin iyon."
"Artistahin naman kasi talaga ang kaibigan namin!"
"Bagay na bagay iyon kay Kenner!"
"Hindi na nakakapagtaka!"
"Hindi na kami makapaghintay!"
Nagpaalam din naman ang Psyren pagkatapos. Nag-uwian na din ang iba pero naging matunog talaga ang pangalan ni Kenner. Naging usap-usapan ang mga ibinahaging balita ni Jed.
"Sabay na tayo umuwi, Max. Sandali kunin ko lang gamit ko." paalam naman sakin ni Chad.
Parang mawawala ata ako sa sarili ko. Ang mga narinig na balita ngayong araw ay masyadong ginulat ako. Lalo na ang pagpasok ni Kenner sa isang Talent Industry. Ang pagmomodelo kung saan pagpipiyestayahan ang mga larawan niya. Siguradong mas lalo siyang pagpapantasyahan ng lahat. Siguradong.. magiging busy siya at mas mawawalan na kami ng oras. Nakita ko naman ng mangyayari ito pero bakit.. nagugulat pa rin ako. So after all, ayoko pa rin palang mangyari ito.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Подростковая литератураYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.