I remember that night when Kenner confessed to me. Yes, he confessed. I thought it was a dream but now that I think of it, it really is not. It really happened. He really did confess to me. 'I like you so much, Max. Will you be my girlfriend?' was his exact words. I was so sleepy that time, all I could do is to shake my head for agreement. And later that morning, I'm aware I was already his girlfriend. Though I thought it's because we slept in the same room, on the bed.
Pero malinaw na sa akin ang tunay na nangyari. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko. Kung bakit biglang nabura sa alaala ko ang eksena nang gabing yun. Dahil sa sobrang antok? Kasi kung talagang akala ko panaginip iyon, hindi ko dapat iyon nakalimutan. Imposible na makalimutan ko ang ganong kaimportanteng alaala. Noong magising ako nang kinabukasan na iyon, ang maging girlfriend ng isang Kenner Cabrera ay hindi ko na masyadong ikinagulat pa. Naging natural sakin na iexpect na magiging ganon ang kahahantungan ng mga nangyari sa aming dalwa nang gabing iyon. Kahit pa hindi kami nagkaaminan na dalwa sa isa't isa. Kahit walang pormal na pag-uusap na girlfriend na niya ako at boyfriend ko na siya—Dahil iyon ang tumatak sa isip ko at aking pinaniwalaan. Hindi naging mahirap para sa akin na tanggapin ang consequences ng mga pangyayari.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit puno ako ng mga pagdududa. Dahil kahit na tanggap ko naman na ang mga consequences na iyon. Kahit tanggap kong nagdedate kaming dalwa ni Kenner at boyfriend ko siya. Hindi naging sapat na rason iyon para sa akin na paniwalaan siya. Dahil kahit nakikita ko ang mga sinseridad niya. Kahit napapatunayan ng mga kilos niya na talagang gusto niya ako. Hindi naman nagawa ng mga salita niyang kumbinsihin ako. Kaya kahit nararamdaman ko naman ang pagtingin na meron siya para sa akin. Nagagawang lasunin ng isip ko ang pakiramdam na iyon dahil hindi kailanman naging sapat sakin ang lahat na mga ibinibigay niya. Ang mga kilos at salita niya ay naging kulang. Dahil lamang sa nakalimutan kong nagtapat nga pala siya sakin. Kahit hindi na niya naulit pa—Nagtapat pa rin siya.
Dahil saming dalwa, mas higit akong nagkulang. Naiintindihan ko kung bakit iba siya sakin. Kung bakit kakaiba ang mga kilos niya pagdating sakin. Kung paanong ingat na ingat siya sa mga kilos at salita niya. There's a part of me na naiintindihan siya pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin maiwasan na magduda. And the main reason was because I can't accept the fact that I can fall for him, too. Hindi ko matanggap ang katotohanan na kaya ko ring magustuhan ang mga katangian na nagugustuhan sa kanya ng karamihang mga babae. Hindi ko matanggap na kahit gaano ako nasusuklam sa mga tipo niya, sa huli natututunan at nagkukusa pa rin ang puso ko na mahulog sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kaya naman ang nangyayari ay sumasama ang look ko. Na kung saan ang sama ng loob na iyon ay ang mga pagdududa ko.
Bakit nga ba hirap na hirap akong paniwalaan ka Kenner? Bakit nga ba ang hirap hirap para sa akin na maniwala na nagugustuhan na nga kita? Parang tuloy nadudurog ang puso ko sa tuwing naiisip ko kung paano nga ba kita tratuhin. Kung paano ako makisama sayo. Kung anong klaseng girlfriend ako sayo. Kung naging masaya ka ba nung panahong tayo pa. At kung gaano kasakit sa'yo sa tuwing nasasaktan kita. Sa tuwing nasasaktan kita nang lingid sa kaalaman ko. Katulad ng mga panahong nakikita mo na magkasama kami ni Leo. Kung gaano kasakit sayo na nakikita mo akong pinagdududahan ka.
Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko. Pero pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko.. sa tingin ko huli na para gawin ko ang mga ito.
•••
Paulit-ulit na tumutunog ang phone ko pero wala talaga akong lakas para kumilos. Pakiramdam ko ang sama-sama ng pakiramdam ko kahit wala naman talagang masamang nararamdaman. Ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ko sa sobrang pag-iisip pagkatapos ng mga natuklasan kay Janine. Pati na ang sobrang konsensya na nararamdaman dahil sa mga ginawa kay Kenner. Now that I think of it, wala talaga akong ginawa kundi ang sisihin siya, ibuntong sa kanya ang sama ng loob ko, at pagdudahan siya.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.