Chapter 11

28.8K 203 2
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita sa Library? Para makapag-aral na rin ako kung sakali." narinig kong natawa siya sa kabilang linya. Kausap ko si Kenner. Friday ngayon at balak kong pumunta ng library para humiram ng mga libro para sa mga pag-aaralan ko.

"Yeah, sure." I rolled my eyes and smirked. Natawa ako sa ideya ni Kenner. Halatang may gusto siyang mangyari. Sinasuggest lang niya na mag-aaral siya pero sa totoo lang ay gumagawa lang siya ng dahilan para makipagkita sakin.

It's been four days that we're not hanging out together. Hinahatid sundo pa rin naman niya ako. Pero hanggang doon lang yung oras na nai-spend namin together. Kenner is really making an effort to grant my favor. Which is to focus on my studies for a while. He's been nice to me. At sobrang nagpapasalamat ako na hindi niya ako pinepressure sa relastionship namin na dalwa.

So far, naeenjoy kong maging girlfriend ng isang Kenner Cabrera. He's always been so sweet to me. At lahat ng mga effort niya ay sobrang naaappreciate ko. Minsan dinadalhan pa rin niya ako ng makakain. And most importantly, sinigurado niya sakin na hindi niya rin pababayaan ang studies niya at hindi siya magkacutting class. Naniniwala ako kay Kenner. Napatunayan niya sakin yun noong ipakita nga niya sakin ang mga grades niya sa mga quizzes niya.

"By next week I'll make sure to make up with you. I'll treat you." sabi ko.

"What!?" pigil ang gulat at ang saya sa mga tinig niya. Pero nahalata ko pa rin na parang tumatawa siya. He doesn't seem to be mocking me. And I don't find his reaction irritating. Actually, ever since naging kami ni Kenner hindi na ako talaga naaasar sa kanya. Ang lahat ng mga katangian na ayoko sa kanya noon ay tila hindi ko na nakikita. Maybe.. nagkamali ako ng pagkakakilala kay Kenner.

"I'll be looking forward to that then! Baka hindi na ako makatulog.." naiimagine ko ang mga ngiti niya na umaabot hanggang tainga. At siguradong napakagwapo niya sa ganong hitsura. Lahat ng mga genuine na reaction ni Kenner ay sobrang gusto ko. I could actually  stare at him all day kapag nakikita siyang sobrang saya.

"Sige na, lalabas na ako ng campus." paalam ko.

"Hey, what if ihatid na lang kita. May 30 minutes pa naman na ako. And I'm actually on my way at the lobby." aniya.

"You're gonna be late if you do that. I'm really fine. Don't worry. See you then."

"If that's what you want. Ingat Max." aniya.

Tuluyan naman na akong nakalabas ng gate. Pag-end ko ng call ay may pamilyar na boses naman na tumawag sakin.

"Max." pinakaba ako ng mga boses na yun. Kinilabutan ako. At kahit hindi ko pa nililingon ang taong yun. Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob kung sino ito.

At pinagsisihan ko nga na nilingon ko ito, "Max." tawag pa muli niya sakin. Gulat akong pinagmasdan siya. This time, talagang bigla na lang siyang sumusulpot para hindi ako makaiwas sa kanya. Ramdam kong sumama ang mukha ko sa ideya na yun.

"What are you doing here?" hindi ko napigilan ang inis sa mga tono ko.

"Gusto ko lang siguraduhin na makakapunta ka ngayon sa group study natin nila Kulin."aniya.

"Hindi ba nabanggit ni Kulin sayo na hindi ako makakasama. Really, Leo. Pupuntahan mo ako dito para dun?" sarcastic kong sabi.

"Ayoko lang maging dahilan kaya ka hindi sasama." natahimik naman na ako sa sinabi niya. Medyo naguilty dahil nabisto niya.

Pero sa kabilang banda naisip kong wala akong dapat na ikaguilt dahil yun naman talaga ang totoo. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit umiiwas ako. Ngunit parang nakakasama ng loob ang dahilan na yun para kila Kulin kung ganon.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon