"Max! Who's that Madison Caden!?"
"Kasali rin siya sa show ng Beat Street at kasalukuyang maingay ang pangalan niya sa lahat ng mga social media dahil sa mga kumakalat na pictures nila ni Kenner!"
Bigla na lang ay nag-ingay sa gc namin nila Kulin at Hannah. Nung una ay hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi nila. Hanggang sa magsend sila ng isang picture kung saan nandoon si Kenner at ang babaeng kamakailan lang ay ipinakilala ni Kenner sakin. At hindi basta picture iyon na kung saan ay ipinasadya. Isang stolen shot at makikitaan talaga ang closeness sa pagitan ng dalwa.
"Napanood ko siya sa episode ng Beat Street kahapon. Close sila ni Kenner?"
"Nabanggit ba sayo ni Kenner ang tungkol sa kanya?"
Sunod-sunod ang mga tanong nila Kulin at Hannah. Nagreply naman na ako sa kanila, "Magkasama ang psyren at ang team niyang nagpapractice."
"So napakilala na sayo yung babae?" tanong pa ni Hannah. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pero pakiramdam ko may gusto silang iparating sa mga sinasabi nila.
"Oo. Pero hindi naman na big deal kung sino siya." reply ko.
Nagsend sila ng mga laugh emoji. Pinagtawanan nila ako.
"The usual Maxine." ani Kulin.
"Di ka nagseselos kahit ipakita namin ito sayo?" nagsend ulit si Hannah ng isa pang picture. Akala ko picture na naman ng Madison na yun at ni Kenner na magkasama, pero picture lang pala nung Madison. Isang close-up photo. At hindi ko maipagkakailang maganda talaga ang babaeng iyon.
"Anong gagawin ko dyan?"
"Sus. Kung magkasama ang psyren at ang team ng Madison na iyan, ibig sabihin mas madalas kasama ng babaeng yan si Kenner. Malay mo.." pinutol ni Kulin ang sasabihin niya. Napipikon na ako sa mga pinagsasabi nila. Akala ata nila hindi ko alam kung anong mga iniisip nila.
"Shut up. Anyways, gusto niyo bang magswimming?" pag-iiba ko ng topic. Since magkakausap naman na kami, might as well mention to them kung anong plano nila Mama at Papa.
"Tayong tatlo? Duh ang boring." anila at pinagtawanan na naman ako.
"Okay. Huwag na kayong sumama." sabi ko. Nagtawanan na naman sila.
"Just kidding. Isama mo sila Kim at Roxie para madami tayo!!" suhestiyon nila.
"Sure." bigla kong naalala ang sinabi ni Papa tungkol kay Leo, "Actually, okay lang na sumama ang buong tropa. Invite ko rin sila."
Natuwa naman na sila. Pero agad ding nabawi ang kasiyahan na iyon, "Kahit si Leo?"
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung gugustuhin pa ba ni Leo na makaharap ako. Siguradong hindi niya tatanggapin ang paanyaya ko pagkatapos ng mga nangyari samin last time. Sa huling pagkakataon ay sinaktan at pinahiya ko siya. Sobra na ang mga pinaggagagawa ko sa kanya. At maiintindihan ko kung sa pagkakataon na ito ay magagalit na siya ng tuluyan sakin. Aminado ako, I felt sorry for him. All this time ay narealize ko na hindi niya deserve ang lahat ng mga nangyayari saming dalwa. Pero pakiramdam ko rin, huli na ang lahat.
Sinimulan ko na ngang imbitahin ang mga malalapit na kaibigan. Lahat sila ay tinanggap ang imbitasyon ko at sinigurong makakasama. Sa kabilang banda, katulad ng inaasahan ko, hindi nagresponse si Leo. Wala siyang paramdam katulad pa rin ng mga nagdaang araw. Sinubukan kong i-pm siya pero ganon pa rin. Hindi niya ako pinapansin.
Hindi ko na naopen pa kay Kenner ang tungkol sa magaganap sa birthday ko. Nagmessage na lang ako sa kanya para i-Goodluck siya sa Main Competition na magaganap. Sa mga nagdaang araw kasi ay hindi na kami masyadong nagkakakumustahan. Ang huli naming pag-uusap ay noong nagvideo-call kami. Batid ko rin naman na hindi siya makakapagreply sa mga messages ko.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.