Madali kong nakaclose si Chad. Dahil nga sa magkapitbahay kami, madalas nagkakataon na sabay kami sa pagpasok hanggang kalaunan ay narealize namin na halos parehas pala kami ng schedule kaya naman nagdecide na magsabay na lang. Pati sa pag-uwi ay nagkasundo rin kaming magsabay na.
Bukod pa dun ay madalas din kaming tumatambay sa office ng org. Nagpapractice sila ng sayaw. Noon ko lang din nalaman na dancer pala si Chad. Natutuwa nga ako kapag napapanood siyang sumayaw. Napakasmooth kasi ng galaw niya, madali rin siyang matuto at ang saya-saya pa niyang tingnan. May pagkakenkoy kasi si Chad.
On the other hand, I met this guy who keeps getting on my nerves.. named Kenner Jan Cabrera.
Don't get me wrong. Sadyang nagkataon lang na alam ko ang buong pangalan niya dahil sa angking kasikatan niya. As in kilala siya sa kahit saan ata ako magpunta sa lugar na ito. At kahit saan sa social media.
I used to live in Manila kasi once I got in college. Sabi naman ni Nika, bago lang din daw ang Kenner na yun dito sa lugar namin. Pero taga-Manila daw ito at dito lang nag-aaral. At talaga namang pambihira ang kasikatan nito na kahit saan ata ay naririnig kong pinag-uusapan ang pangalan niya. Hindi ko naman maipagkakaila na talagang deserving siya sa kasikatan na yun kahit pa ayoko sa personality niya. Dahil ang mga tipo niya ang pinakakinasusuklaman ko sa lahat ng mga lalaki.
Kilala na noon pa lang ang grupo ni Kenner dahil sa mga sinasalihan ng mga itong hip-hop street dance. Si Kenner ang pinakabata sa grupo. And I admit it, na siya rin ang pinakagwapo sa grupo nila. Pero hindi lang dahil siya ang pinakanangingibabaw sa grupo nila kundi dahil talaga namang hindi maitatangging sobrang gwapo niya. Plus.. he's got a great body shape na pinaglalawayan ng kahit na sinong mga babae.
A typical fvk boy. A popular heartthrob na walang ginawa kundi magpacute sa mga babae. Chikboy. A flirt. Maangas. Aminado akong magaling siyang sumayaw. Pero mayabang. Mayabang kasi alam niyang madaming nagkakagusto sa kanya. Dahil alam niya kung saan siya magaling and he thinks sobrang cool niya. A typical talented person na ginagamit ang kasikatan para umangat ang grades nila. Pero sa totoo lang hindi marunong mag-aral.
So, I've actually met a despicable guy that I swear don't want to deal with.
But before I even realized who he really is, I've encountered him at the canteen. Though, I'm the one who approached him first. I mean—we approached him. I'm actually with Nika that time pero kinailangan niyang umalis. Naipit na ako sa sitwasyon and just chose to stay dahil ayokong maging rude. After all, siya kasi yung lalaking nakatitigan ko sa org. I was so curious about him the whole time dahil sa mga nakita ko sa mga mata niya nung mga sandaling yun kaya hindi naging big deal sakin na makasama siya sa iisang table nung una.
Pero nung ngumiti siya at magsimulang umakto ng mga karaniwang napapansin ko sa mga lalaki ay agad akong kinutuban na dapat ko siyang iwasan.
"Sa tingin ko kailangan ko na ring umalis." sabi ko.
"But you barely touched your food." aniya. Pansin ko talaga ang angas sa aura niya.
"I just.." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang pumostura para magpacute. I know he's cute pero it's obvious na ginagawa niya yun para akitin ako. Nagpapacute siya sakin para mahulog ako sa bitag niya. Kilalang-kilala ko ang mga katulad niyang lalaki.
"You were that girl.." gusto kong suminghal pagkasabi niya ng linyahan niya hanggang sa may idagdag siya, "—At the vendo machine!" sabay duro sakin ng nakabungisngis. Natulala ako sa mga ngiti niya. First time kong makita ang mga inosenteng ngiti niyang yun. He looked so happy na halos magpahulog na ako sa bitag niya. He got a perfect teeth. Alam kong perpekto na halos ang buong mukha niya pero pati ba naman mga ngipin niya.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.