Ilang araw pagkatapos umalis ni Kenner sa bansa—wala akong ginawa kundi ang manatili lang sa bahay. Walang nangyaring gala o lakad kasama ang mga kaibigan. Literal na tumambay lang talaga ako sa bahay namin kasama sila Mama at Papa. Marahil ay dahil nalalapit na nga ang pasukan kaya naman katulad ko ay tinatamad na ring lumabas ang mga kaibigan.
Naipalabas na sa national tv ang pagkapanalo ng Psyren sa Main Competition. Maraming nasabik sa pagkakapasok nila sa top 5. Sa mga susunod na episode pa ay malalaman naman ang iba pang grupo na makakasama ng Psyren. Talagang intense na ang mga episode sa Beat Street, lalo na at dahil gusto ko ring malaman kung makakapasok ba ang grupo ng nagngangalang Madison. Gusto ko na talagang malaman kung kasama ba ni Kenner ang babaeng iyon. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong naririnig kay Kenner.
•••
First day of school..
"Max!" nilingon ko ang tumawag sakin paglabas ko ng gate ng bahay. Naglalakad palapit sakin si Chad. Nagkangitian kami at nagpasyang sabay ng pumunta ng university.
Mga bandang 8 nang mapadaan kami sa gymnasium ni Chad. Kapansin-pansin sa labas ang dami ng mga estudyante na husga ko ay mga freshman. Ngayon siguro ang freshmen orientation. Nabanggit nga samin ni Chad ang mga magiging preparation ng org sa event na ito. Gada new semester, iniintroduce sa mga bagong estudyante ang iba't ibang organizations at clubs na maaari nilang salihan. Required kasi ang lahat na may salihan kahit isang org/club. May ilang representatives galing Thespian na magpeperform mamaya, kasama si Chad. Naalala ko tuloy noong first day ko din as a transferee, nang araw na iyon ay isa si Kenner sa mga nagperform. Sayang lang at hindi siya makikitang sumayaw ng personal ng mga freshman.
Nagkahiwalay din kami ni Chad at tumungo na sa kanya-kanyang klase. Ngayong school year ay mga major subject ang lahat ng klase ko. Batid kong ang first day of school ng third year college ay talagang malayo na sa pangkaraniwang unang araw ng nagdaang school year. Unang araw pa lang ngayon pero ramdam ko ng hindi magiging madali ang mga susunod na araw sakin. May mga laboratory class agad at mga bigatin ang mga math subject. Mukhang mas kakailanganin kong mag-effort ngayong school year na ito..
Nang matapos ang mga klase ko sa unang araw ay pumunta naman na ako sa org. Pagdating ko doon ay natagpuan ko sila Chad at ang ibang members na nagtitipon-tipon. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.
Kinawayan naman na ako ni Marjohn nang mapansin agad ako. Lumapit ako sa kanya at naupo na rin sa tabi niya, "So ayun guys, kayo kasi ang mga napili ng mga professors na magperform para sa Open House. As you know, Thespian Talents ang pinakamalaking organization sa buong university kaya naman halos tayo ang magdadala sa naturang event." ani Chad.
"Open House?" naibulalas ko. Napalingon naman sakin ang katabi ko.
"Hindi mo alam iyon?" pagtataka ni Marjohn. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya, "Ahh! Oo nga pala, 2nd semester nung magtransfer ka dito. Malamang hindi ka aware. Every new school year kasi, may mga welcome event ang university para sa lahat ng mga estudyante. Yun iyon!" tumango naman na ako bilang naintindihan ko na ang ibig sabihin niya.
"And as you know, new school year, new elect president din tayo. So this school year will be my last year as the president of the org. At panahon na rin para magkameron ng bagong president." Iba't iba ang mga naging reaction ng lahat sa sinabi ni Chad.
"So goodluck satin guys. Ireview na lang natin ang mga nakaassign sating performance!"
Tiningnan ko naman ang magiging parte ko. At hindi ko inaasahan na makita ang nakaassign sakin—samin actually.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.