Found you when your heart was broke
I filled your cup until it overflowed
Took it so far to keep you close (Keep you close)
I was afraid to leave you on your ownAng awkward talaga nung una. Batid kong halata sa mga tinig ko na naiilang ako sa ginagawa at higit sa lahat—Ang humarap sa madaming tao na ito na alam kong hinuhusgahan ako. Pinilit kong huwag na lang silang pansinin habang pinagpapatuloy ang pagkanta. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinadamdam ang bawat lyrics ng kanta.
I said I'd catch you if you fall
And if they laugh, then fuck 'em all (All)
And then I got you off your knees
Put you right back on your feetSa totoo lang pakiramdam ko ay tumutugma ang kanta sa nararamdaman ko. Hinding-hindi ako maiintindihan ng mga tao dahil hindi naman na nila alam ang pakiramdam ko noong kami pa ni Kenner
Just so you can take advantage of me
Takot akong sumugal kay Kenner. Takot akong magustuhan siya at tuluyan na mahulog sa kanya. Dahil nagdududa ako. Pero kahit ganon pinili ko pa ring magpabihag sa kanya. Sinubukan kong kilalanin siya at magtiwala sa kanya. Pero palagi—Palagi kong nararamdaman na parang may mali. Palagi akong nakakaramdam ng takot. Takot na mapagtaksilan.
Tell me how's it feel sittin' up there
Feeling so high but too far away to hold me
You know I'm the one who put you up there
Name in the sky
Does it ever get lonely?
Thinking you could live without mePakiramdam ko ngayon na talunan ako. Ang lahat ng pangungutsa ay nasa sakin. Where in fact, hindi ko naman alam kung paanong naging kasalanan ko ang lahat. Lahat ng simpatya ay na kay Kenner. At pakiramdam ko nawala sakin lahat noong maghiwalay kami na dalwa.
Gave love 'bout a hundred tries
Just running from the demons in your mind
Then I took yours and made 'em mine
I didn't notice 'cause my love was blindNaging bulag ako. Pero saan nga ba ako nabulag? Sa mga pagdududa ko sa kanya? Sa nararamdaman niya para sakin? O sa lahat ng mga nahuhusgahan ko sa kanya? Ano bang totoo sa lahat ng mga iyon? Paanong naging pagkakamali ko ang lahat? Bakit kailangan na magalit sakin ang nag-iisa kong matalik na kaibigan? Bakit niya ako sinisisi? Hindi naman niya alam ang mga pagdududa ko kay Kenner. Hindi naman niya alam kung anong mga kinakatakutan ko.
Bakit parang ako pa yung talunan? Pinili ko lang naman ang makakabuti para sakin. Bakit parang pagkakamali ko pa ang lahat?
"You did great, Max." mabilis akong hinabol ni Marjohn nang matapos ang kanta namin. Agad din kasi akong nagpunta ng backstage.
"I need to go home." paalam ko sa kanya.
"Hindi mo tatapusin ang event?" hindi ako makatingin sa kanya. Hindi na kasi ako mapakali at gusto ko na talagang umalis dito.
"Panoorin mo man lang ang sunod na magpeperform." aniya. Hindi na ako nakatiis at inilingan na lang siya. Saka tuluyan na nagtatakbo palabas ng backstage. Sa may parking lot ng backstage ay natagpuan ko naman ang mga dancers. Nakauniform ang mga ito. At napako ang mga tingin ko sa nag-iisang tao sa mga ito.
Hindi niya ako nakikita sa kinatatayuan ko. Bahagya ko pa siyang pinagmasdan. He looks good. He still looks good. At nasasaktan ako na makita na okay na okay siyang tingnan habang.. Habang sobrang pagdurusa naman ang pinagdadaanan ko—emotionally at mentally. On the other hand, Kenner doesn't seem to be in a bad state. Hindi naman siya mukhang apektado sa nangyaring break-up naming dalwa. Kung ganon bakit lahat ng tao ay nasa kanya ang simpatya? Just because he is Kenner Cabrera? Just because he's great, popular, and cool?
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.