'It's awesome how you can fall in love with a person you didn't even notice the first time you met' Binasa ko pa ang huling mga salita sa isang post na nakita ko sa social media. Inabala ko ang sarili sa pag-iscroll sa phone ko habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan.
"Max!" lumingon ako sa pamilyar na boses na yun na tumawag sakin. Kunakaway ito sakin kaya naman ginantihan ko ito ng pagtango.
"Waah talagang classmate na tayo! Ang saya.." ngumisi ako. Mahigit isang taong rin na hindi kami nagkasama sa iisang campus. Pero tila walang nagbago. Ganitong-ganito pa rin ang pakiramdam ko kapag kasama ang kaibigan. Panatag at casual lang.
Transfer student ako sa university na ito. Same course. Same subjects. Mabuti na nga lang na hindi ko kinakailangang umulit ng ibang mga subjects kaya rin nga nahikayat akong dito na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sa kadahilanan din na makakasama ko ang nag-iisa kong matalik na kaibigan.
Malaki ang pinagkaiba ng dati kong university sa ngayon. Hindi maipagkakaila na mas maganda yung noon dahil na rin sa kilalang pangalan nito. Gayunpaman, I'm still looking forward sa magiging school year ko dito gaya na lang ng mga naririnig kong kwento dito na galing mismo sa kaibigan.
Sabay kaming naglunch ng kaibigan. Pero hindi ako sa canteen bumili ng drinks. Kanina habang hinihintay kong matapos ang klase niya ay naglibot-libot ako sa campus. Mag mga spot na ako sa campus na ito na gustong tambayan. Pero pagdating naman sa inumin, napagdiskitahan ko ang nag-iisang vendo machine sa buong campus. Noon kasi sa dati kong university, walang mga drinks sa canteen. Nagkalat ang iba't ibang vendo machine doon kaya naman nasanay ako. Kaya naman binalikan ko ang vendo machine na yun para bumili ng drinks ko.
Mabilis kong pinagsisihan na gumamit pa ng vendo machine nang matuklasan na may sira ito. Kinain nito ang pera ko at hindi ako suklian. And worst, hindi nito nilabas ang order ko. Mabuti na lang alam ko ang gagawin sa bagay na yun. Maaari kong makuha ang order ko pero imposible na masuklian pa ako.
I sighed. Bahagya pa munang sinilip ang paligid ko kung may tao bang makakakita sakin. I feel relieved na walang natagpuan. Kaya naman wala ng pagdadalwang isip na hinampas ko ang parte ng vendo machine kung saan nakadisplay ang order ko. Paulit-ulit at malakas na hampas hanggang sa pumatak ito. Thankfully, nagtagumpay ako.
At nang sa wakas ay aalis na, natagpuan ng mga mata ko ang isang lalaki na naglalakad papunta sa gawi ko. I panicked. Nag-alala akong baka nakita niya ang ginawa ko. Napayuko ako pero sinilip pa rin ang lalaki para maobserbahan ang kilos nito. Nagtama pa ang mga tingin namin ng lalaking yun na mabilis ko ring iniwasan. Hindi ko kinaya. Hindi ko kayang husgahan kung may nakita ba siya sa mga ginawa ko dahil pinangunahan na naman ako ng kaba. I tried my best to act normal. But in the end, dahil sa pagkataranta ay nagmukha pa rin akong kaduda-duda. Nagtatakbo lang naman ako.
I'm not good with people. Dahil sa mga past experiences ko, I tend to avoid people unintentionally. Yung naramdaman kong pagkataranta kanina ay hindi dahil sa takot kong baka isumbong ako ng lalaking yun. Well, kasama na rin yun. Pero mostly dahil.. may problema ako sa social skills ko. I hate crowds. I hate socializing. I even hate people looking at me. But don't get me wrong, I somehow managed this personality of mine before. Sa dati kong university.
Ang totoo nga niyan, nagawa kong magkameron ng madaming kaibigan sa dati kong school. But things suddenly happened. May mga bagay na paulit-ulit na nangyayari. Kaya ngayon.. bumalik na naman ang ugali kong ito. Nahihirapan na naman akong magtiwala sa tao dahil mismong mga taong pinagkakatiwalaan ko ay sinasamantala ako. Hindi ko maintindihan why people tend to betray someone na wala namang ginawa sa kanila kundi maging sincere. Or what's up with me? Siguro.. ako talaga yung may problema.
BINABASA MO ANG
That's Why I Love You
Teen FictionYURI: Maybe a predictable story, but not for them. A new kind of love experience for Max. Having difficulty of showing how she really loves this her-not-type of guy. A story of being in a relationship is not easy and the reality of it.