Chapter 35

21.6K 131 2
                                    

Naging usap-usapan sa buong campus ang tungkol sa paglabas ng psyren sa Episode ng Beat Street kagabi. At talagang naging kapansin-pasin ang malaking paghanga ng karamihan sa kanila.

"Napakaswerte niya na may instant celebrity siyang boyfriend."

"Kelan kaya sila maghihiwalay noh? Hahaha."

Siniringan ko ang mga babaeng kaklaseng palihim na pinag-uusapan ako. Napansin ko naman ang oras, hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating sila Roxie at Kim. Eksatong pagdating ni Doc Barton ay dumating din sila Kim at Zero—Absent si Roxie.

Nagkameron kami ng seatwork at dahil katabi ko si Zero ay siya ang naging partner ko. Mabilis kaming natapos na dalwa sa ginagawa.

"Kabarkada mo pala sila Leo." biglang nabanggit ng katabi. Bahagya ko naman siyang tiningnan saka tumango bilang tugon.

"Hindi kita napapansin noon sa campus."

Sarkastiko naman akong natawa, "So do I."

"Nung malaman niyang dito ako nagsasummer class, tinanong niya agad ang tungkol sayo. Ang laki ng university na ito pero naging maliit para magkakilala tayo." natatawang aniya.

Tiningnan ko naman siya na kasalukuyang tinititigan ako, "What?"

"Nagpapangita pa ba kayo ng boyfriend mo?"

"Pakialam mo?" pigil na pagsusungit ko. Bakit ba kasi lahat ng tao ay interesado sa buhay ko!?

"Madalas kayo ang usap-usapan dito sa campus. Mag-aartista daw siya? Kaya ba wala na siya dito sa university."

Tiningnan ko siya ng kaduda-duda, "Napapansin kong masyado kang interesado sakin." pranka ko.

Patuloy siyang nakipagsukatan ng tingin sakin, "Siguro kasi crush kita."

Natigilan ako. Napamaang at natulala sa kanya, "You disgust me." singhal ko saka tumayo sa kinauupuan ko. Umalis ako ng kwartong iyon para pumuntang banyo.

•••

"Anong nangyari?" agad na tanong ni Kim nang malapitan ako pagkatapos ng klase namin sa Poligov.

Hindi pa rin mawala ang inis na nararamdaman ko. Kanina kasi ay nagpresent kami ni Zero ng ginawa naming seatwork dahil nagvolunteer siya. At kung anu-anong mga ganap ang mga ginawa niya. Nasusuklam ako sa mga pantitrip niya sakin. Nakakapikon.

"Basta ayaw ko lang makapartner ang Zero na iyon!" nagkameron kasi kami ng final project patungkol ulit sa gagawan namin presentation na magiging final exam na namin. Magiging malaking trabaho iyon. At ang magkakapartner namin ay iyong mga kapartner namin kaninang seatwork. Dahil sa pagkapikon ko kay Zero ay sinuggests ko kay Doc na makipagpalit ng partner—Sa harap ng buong klase. At isa pa iyong kinaiinis ko. Napahiya lang naman ako sa ginawa ko.

"Ano bang nangyari sainyong dalwa? May ginawa ba siya sayo?"

"He's making fun of me!" asik ko.

"Pero ang cute niyo nga talaga kanina. May chemistry talaga kayo. Kung hindi mo lang boyfriend si Kenner, iisipin kong may namamagitan sainyo e—" tumigil ako at sinamaan ng tingin ang katabi. "Hehe."

Sinuntok niya ako kunwari sa braso, "Ikaw naman. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit si Roxie ay pansin iyon. Kung alam mo lang kasi.." umiwas siya ng tingin sakin.

That's Why I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon