Amnesia </3

4.6K 83 2
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas ng mabalitaan namin na, I'm pregnant!!!

And it's already 6 months! Malapit na daw akong manganak, kaya tong si enrique nagleave ng trabaho, aasikasuhin daw muna daw nya ako, sweet talaga. Meron na din syang name na binigay para sa baby namin, it's a boy so yung name ay malapit sa name nya, Enri Alexander :)

Nag yaya si Enrique na lumabas.

"San tayo pupunta Babe?"

"Hmm.. Secret!"

at pinaandar ang sasakyan. Habang sa byahe nakatulog ako, pag gising ko parang nasa highway pa rin kami, walang masyadong sasakyan na dumadaan, konti lang.

"San na tayo?"

"Malapit na."

Wala akong magawa kaya kinulit ko na lang sya.

"Ang gwapo mo. I love you." Ngumiti naman sya sa sinabi ko.

"Ang ganda mo. I love you too."

Hinaplos haplos ko yung pisngi niya. Hinawakan niya yung kamay ko.

At nag focus ulit sa pag dadrive. Tumingin siya sakin at pagharap niya ulit, di namin namalayan na may truck na papadating.

"Ahhhhhh!!! Enrique!!!!!!!" And everything went black.

ENRIQUE POV

Pagmulat ko ng mata nakita kong nakabaliktad na yung sasakyan namin, nakita ko si Lauren na walang malay, pinilit kong makalapit sa kanya, nang may tumawag, naririnig ko ang tunog nang ambulansya.

" Sir okay lang po ba kayo!!?"

"My wife!! Please!!" May tumulong luha sa mga mata ko. Hinawakan ko yung kamay ni Lauren. "Pls. Dont leave me Lauren.." at tuluyan na rin akong pumikit.

***************************************

Lauren POV

Pagdilat ko nang mata nakita ko ang dalawang tao na parang nasa middle age lang, meron din akong nakita isang babae na parang kasing edad ko lang.

"Nasan ako?"

"Nasa hospital ka, anak. Naaksidente kayo ni Enrique, sabi sakin ng doctor okay naman daw yung baby nyo." Sabi nung isang babae na nasa middle age. What?

"Anak? Baby? Enrique?" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"Lauren!!! Buti gumising ka na!!" Bigla naman akong niyakap nitong isang babae, hiniwalay ko sya.

"Who are you?" Nagulat sya sa tanong ko, anong nakakagulat dun tinanong ko lang naman kung sino sya eh.

"Lauren, she's your bestfriend." Sabi nung nasa middle age na babae. Napatingin naman ako sa kanya.

"Who are you?"

"What? I'm your mother and this is your father. Don't you know us?"

"No. I don't know you all of you. Ano po bang sinasabi nyong baby namin nung Enrique?"

"You're pregnant, bestfriend."

"Ha!?" Yung mukha nilang gulat na gulat, hahahaha!!! Ang sarap lokohin ng mga to! Pero sino yung Enrique? Sino yung baby na tinutukoy nila? Ako buntis? Ano Yung aksidente na sinasabi nila? Sumasakit yung ulo ko. Papalabas na si Mommy ng tinawag ko sya.

"Mom. I miss you." Napatigil sya, lumapit sya sakin, at niyakap ako ng mahigpit.

"Naaalala mo ako?"

"Yes, Mom."

Lumapit si Dad sakin, at niyakap din ako.

"Eh ako bestfriend? Naaalala mo?"

A Famous Guy on School is my Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon