Baka po malito kayo Nay/ Manang isang tao lang po.
-----------------------------Ilang oras din tulog si Enrique. Nandito na rin sya sa room. Alam nyo ba guys? Ilang hours lang naman kami dito, pero yung room na binigay kay Enrique, eh kala mo dito na kami titira.
Yan, medyo malaki yung spaces. It's a VIP room. Habang tulog si Enrique binuksan ko muna yung TV, nanood nang news sakto namang si Enrique yung binabalita.
Kaya nakafocus talaga ako."Enrique Lee, kilalang pinakabatang businessman at pinaka- mayamang tao dito sa Pilipinas ay sinugod sa hospital kaninang tanghali. Nakausap nang reporters si Ms. Venice Arbit, ang secretary nito sa company niya at ito ang pahayag:
Don't worry po. Okay na po siya. Kailangan lang po niya magpahinga. Over fatigue lang po."
Sabi nung nakakairitang babae na sobrang ang laki nang galit sakin sa di ko malamang dahilan.
Kala ko health lang ni Enrique yung tatanungin dito kay Ms. Secretary na pangalan pala ay Venice.
"Sino po ang namataan nang mga reporters kanina na kasama niyong babae nung sinugod si Mr. Lee dito sa hospital?"
Ewan ko pero natakot ako bigla, napalunok ako at nanginginig yung kamay ko. Nanghihina ako di ko alam.
"Uhmm. Hindi po ako pwedeng sumagot niyan, privacy na po ni Sir Lee yan. I have the right not to answer on that question. Sorry."
Unti- unti itong nag lalakad, pero nahaharang sya nang mga reporters.
May nilabas na picture yung media, and that's me, nakablurred lang yung face ko, pero I know that's me. Kaya lalo akong nanginig sa natakot. Nakita nila ako. Ewan ko bat bigla na lang tumutulo tong luhang to, nanginginig yung kamay ko habang tinatanggal yung luha sa pisngi ko. Baka magising to si Enrique eh, ayaw ko nang mag- alala siya. Pero nagulat ako nang biglang namatay yung TV at naramdaman kong may humila sa braso ko at niyakap ako nang mahigpit kaya lalo akong napaiyak.
"Why are you crying babe?" Tanong niya sakin habang yakap niya pa rin ako nang mahigpit. Alam nyo yung pwesto namin, nakaupo ako at sya naka side-lying sa higaan niya.
"Don't mind them, gusto lang nila nang issue nang may mareport sila sa pinapasukan nila. Bakit ka pa kasi nanonod?"
Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa yakap niya, hiniwalay niya ako sa kanya at pinunasan yung luha ko.
"Don't cry. Nasasaktan ako." Sabi niya sakin kaya tumigil na ako sa pag- iinarte ko.
"Kasi naman, natatakot lang ako. Sobrang natatakot ako, Enrique."
Sagot ko sa kanya."Bakit ka naman natatakot nandito naman ako? Walang mangyayaring masama. I'll promise."
Ngumiti na ako. Kailangan kong maging matibay.
BINABASA MO ANG
A Famous Guy on School is my Secret Boyfriend
Short StoryHi! I'm Lauren Choi, 18 yrs. old, ako ay isang normal na estudyante sa Lee University. At si Enrique Lee, 18 yrs. old, ang pamilya niya ang may- ari ng school na pinapasukan ko, parehas kaming 2nd year colleges at he's a famous guy on school dahil n...