"Oh my gahd Lauren! nanjan na yung Prince!!" tili ng aking bestfriend. At tumakbo papuntang gate para makisingit sa mga babaeng nagkakagulo. Ngumiti na lang ako.
"Kim!! Wait!" ang bilis naman kasing tumakbo.
"Excuse me! Excuse me!!" sigaw ko habang nakikipagsiksikan sa ibang mga estudyante para mahanap ang makulit kong bestfriend. Habang nakikipagsiksikan ako, bigla na lang may nagtulak sakin at napapikit na lang ako.......
Wait diba dapat nasubsob na ang mukha ko, at nawala na ang aking magandang mukha sa sobrang lakas ng pagkatulak sakin, bakit parang may nakahawak sakin? nasa isip ko.
"Ayos ka lang, babe?" may bumulong sakin. Hindi to pwede lagot ako kay Enrique, siya lang pwedeng tumawag sakin ng ganyan. Pag kadilat ko, nakita ko si enrique at ang pwesto namin ay nakayakap siya . At pag tingin ko sa paligid, kinabahan na lang ako bigla dahil natakot ako sa mga matang nakatingin samin, ayy sakin lang pala, yung tingin na kala mo papatayin ka nila ng buhay, sa gulat ko bigla ko na lang syang natulak pero hindi ko naman sinasadyang malakas yun, tinignan ko siya at gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"That B*tch!"
"Humada siya!!"
"Ang kapal ng mukha niyang yakapin si Enrique." Hello guys? di po ako nangyakap oh, SIya oh ! Siya kaya!!
"Ang kapal niya ring tulakin si Enrique my love." Sorry babe di ko naman sinasadya eh. Sorry talaga.
Tumalikod na lang ako sa kanya at dire diretsong pumunta sa room. Alam ko namang naiintindihan ako ni ENrique, kung bakit bigla ko na lang siyang natulak.
********************************
Natapos ang klase namin, pero wala man lang akong naintindihan sa mga diniscuss nung Professor naming masungit.
Lumabas lahat para pumunta sa cafteria at dun kumain. Lalabas na sana ako ng tinawag ako Kim!
"Lauren sorry pala sa nangyari kanina ha."
"Hindi, okay lang." at ngumiti ako.
"Pero okay lang naman yun buti nga nayakap mo si Enrique."
"Suntukin kaya kita jan!! Nang dahil dun nagalit sakin yung mga babae kanina!!"
"Sorry na besssssss... halika punta na tayo sa cafeteria." sabay hawak sa braso ko.
"Okay." at ngumiti na lang ako habang naglalakad kaming papunta sa cafeteria.
CAFETERIA:
Habang kumakain kami, pumasok yung Prince sa may cafeteria, at nakita ko si Enrique na parang may hinahanap at nung magkatinginan kami bigla na lang siyang ngumiti, at parang papalapit siya sakin. Ano bang ginagawa mo Enrique? Wag kang lalapit dito!
"Oh my gahd bessss! papalapit si Enrique dito! Lalapitan niya siguro ako!" yan kilig na kilig, tapos ako ito natataranta.
"Ah bess wait lang! CR lang ako. Ba bye!" sabi ko sa kanya.
Pumuna nga ako ng CR, hindi para gumamit, kundi para magtago, kinakabahan kasi ako baka kasi galit siya, pero diba nakangiti siya, pero hindi pa rin eh. Habang nagiisip ako kung lalabas pa ba ako may nagtext, mag kasunod, yung isa sa bestfriend ko at yung isa kay ENRIQUE.
Binasa ko naman yung kay Enrique
"OI BABAE!! PUMUNTA KA NGAYON DITO SA ROOFTOP NGAYON NA!!" at pagkatapos kong basahin may dumating na naman,
"NASAN KA NA!!!?"
"PAG DI KA DUMATING DITO AFTER 5 MINUTES, HUMANDA KA SA PUNISHMENT!!!"
"NASAN KA NA BANG BABAE KA! NAG AALALA NA AKO!"
Oa naman kasi, pano ako makakareply kung sunod sunod yung tex niya, ginawa ko pumunta na lang ako sa Rooftop. Pag kapunta ko dun bigla na lang nya ako niyakap,
"Where have you been? Bakit ang tagal mo? I thought may nangyari na sayo."
"Eh kasi Enri----" hindi na nya ako pinatapos at hinalikan na lang niya ako sa lips mga 5 seconds lang naman. kayo ha!
"Yan ang punishment mo sa kasi pinag alala mo ako." kiniss ko na lang siya ulit at parang nagulat sya sa ginawa ko pero nung hihiwalay na ako, hinawakan nya yung batok ko para tumagal yung kiss at naramdaman kong ngumiti sya. At nang humiwalay sya ngumiti ako.
"I missed you..'' he whispered. Pano ba naman kasi mga 1 week siguro kaming hindi nagkita bago magpasukan, kaya siguro ganyan yan.
"I missed you too..."
Tapos hiniwalay nya ako bigla at prang tinignan yung suot ko.
"BAKIT GANYAN SUOT MO!!? ANG IKLI!"
"EEEHH. Gusto ko nito eh! Ang ganda kaya. Tignan mo." at umikot pa ako para lang ipakita sa kanya.
"Hindi kaya maganda! ayaw kong makikita kong magsusuot ka niyan sa susunod ha!"
"Bakit ba?"
"Kasi baka---" hindi niya tinuloy.
"Kasi baka ano?"
" Wala!"
"ano nga?"
"wala nga"
"ano nga?
"wala nga, halika na baba na tayo."
"Wait bawal tayo magsabay, baka may makakita satin."
"Okay sige ikaw na mauna."
"Okay bye babe, love you!"
"Bye! love you more!"
At bumaba na ako.
BINABASA MO ANG
A Famous Guy on School is my Secret Boyfriend
KurzgeschichtenHi! I'm Lauren Choi, 18 yrs. old, ako ay isang normal na estudyante sa Lee University. At si Enrique Lee, 18 yrs. old, ang pamilya niya ang may- ari ng school na pinapasukan ko, parehas kaming 2nd year colleges at he's a famous guy on school dahil n...