Lauren POV
Hello sa inyo!!! I'm back with my son, Alexander. Bumalik kami para mag bagong buhay. Ang daming nag bago. Inalagaan ako nila Mom at Zach nung bumalik ako sa Korea. Si Zach ang nakasama ko simula nung buntis ako kay Alex hanggang manganak ako.
Sa totoo lang, hindi ko ba alam kung tama ba tong desisyon kong bumalik pa sa Pilipinas. Pero wala akong magawa, gusto kong makilala ng anak ko, yung tatay nya. Pero ngayon wag muna.
Tama kayo, Tatay niya. Sino?
Si Enrique. I remember every detail about Enrique. Pero sobrang nagagalit ako sa kanya. I hate Enrique, I really hate him!
Sa tagal kong nag stay sa Korea, wala akong nabalitaan na hinahanap niya ba kami, araw araw akong nag iisip kung bibisitahin niya lang ba kami ni Alex dun, pero wala, walang nangyaring ganun.
Araw araw akong naghihintay sa kanya, araw araw akong umiiyak, araw araw kong tinatanim sa isip kong dapat magalit ako kay Enrique pero hindi ko magawa, araw araw kong pinapakita sa anak ko masaya ako kahit wala yung daddy niya, araw araw ko ding tinatanong kung nakalimutan na niya ba kami, araw araw akong nagtatanong kahit alam kong walang nakakarinig at walang makakasagot.
Kaya ngayon nandito bumalik kami, I want to see how he's life was kahit wala kami. In right time, ipapakilala ko rin sa kanya si Alex, pero hindi pa ngayon, gusto kong siya ang makaalam kung ano ba talaga niya si Alex.
Paguwi namin sa bahay naka tulog na agad si Alex.
"Lauren! Ano na naman ba yung ginawa mo kanina?"
Si Zach.
"Zach, I'm sorry sinali na naman kita dito."
"Lauren kala ko ba ipapakilala na natin si Alex?"
"Hindi pa ngayon. Hindi niya kami pinuntuhan o binisita man lang sa Korea para kumustahin man lang kung okay kami."
Nanahimik siya pero nagsalita ulit.
"Pero Lauren, hindi habang buhay itatago natin sa bata yung tunay niyang tatay, lumalaki na si Alex, wag mong hintayin pa yung panahon na ako ang kilalanin ni Alex, dahil pag dumating na yung panahon na ipakilala mo sa kanya yung tatay niya, mahihirapan si Alex!"
"Zach!! Alam mong naghintay ako kay Enrique sa Korea, nag bakasali akong isang araw pupuntahan niya kami, pero ni isang araw sa paghihintay ko, walang dumating Enrique!!"
Umiyak na ako.
"Pero Lauren isipin mo kung anong magiging epekto nito sa bata kung hindi mo pa sasabihin!"
"Matalino si Alex, maiintindihan niya kung bakit ko ginawa to. Nag aral ako sa Korea, para sa business nila Mom at para kay Alex."
Oo, nag aral ako sa Korea, kaya natagalan kami ng uwi. Gusto kong ipakita kay Enrique na kaya kong buhayin yung anak ko nung oras na wala siya.
"Lauren alam kong matalino si Alex, pero bata pa siya Lauren."
Hindi na ako sumagot. Pero nagpatuloy siya.
"Lauren, may sasabihin ako. Si Enrique, sobrang hinanap niya kayo. Bago tayo pumuntang Korea, kinausap ako ni Enrique, nakiusap siya sa akin na ang ipangalan sa anak nyo ay Enri Alexander. Nang dumating ako sa Korea, may komunikasyon kami ni Enrique nun, lagi siyang nagtatanong sa akin kung ano ang kalagayan nyo hanggang sa manganak ka, hindi niya ako tinigilan, araw araw niya akong tinatawagan para lang malaman ang sitwasyon nyong dalawa ni Alex."
What!?? May tumulong luha na naman sa mga mata ko. Nagpatuloy siya.
"May hindi sinabi sakin si Enrique, pumunta siya sa Korea, nung ipinanganak mo si Alex, nabalitaan ko nalang na umuwi na siya dito sa Pilipinas at pinalago ang company ng mga magulang niya, nabalitaan kong siya ang pinakabatang pinakamayaman sa business industry, ginawa niya yun para sa inyo Lauren. Nabalitaan ko ding nag patayo siya nang bahay para sa inyong tatlo. At alam mo ba yung mga tuwing birthday ni Alex nagpapadala siya ng regalo. Pinipilit niya akong magsend nang picture ni Alex, pero hindi ko ginagawa yun. Kaya nung nakita ni Enrique si Alex, hindi niya talaga kilala si Alex, hindi niya alam yung mukha nito."
BINABASA MO ANG
A Famous Guy on School is my Secret Boyfriend
Short StoryHi! I'm Lauren Choi, 18 yrs. old, ako ay isang normal na estudyante sa Lee University. At si Enrique Lee, 18 yrs. old, ang pamilya niya ang may- ari ng school na pinapasukan ko, parehas kaming 2nd year colleges at he's a famous guy on school dahil n...