Magazine <3

4K 84 2
                                    

Lauren POV

Ilang month na rin ang nakakalipas at mag se2nd semester na :) Si Kyle nalaman kong dito rin pala sa Lee University nag aaral, hindi pa rin nag memeet si Kyle at Enrique, kasi sabi ni Kyle busy daw sya lagi at may gagawin daw siya. kilala niya si kyle pero di niya alam na nagmomodel ako. Sasabihin ko rin naman sa kanya.

Pagpasok ko ng gate ng university pinagtitinginan ako ng mga schoolmate ko yung tingin nila iba eh. Sumalubong sakin si Ann.

"Bess!!"

"Ann.. anong meron? Bat nakatingin sakin yung mga taong yan? May ginawa ba ako?"

"What bess di mo pa alam?"

"Alam ang alin?"

"Halika nga!! Punta tayo ng room! Bilis!"

************************************

Pagpasok namin sa room may nagbato sakin ng isang magazine at tumama sa mukha ko, aray ko ha ang sakit nun ha. Nilapitan ko sya.

"Teka nga ano bang problema, pagkakaalala ko wala akong ginagawang masama sayo."

"Sakin wala pero kay Enrique meron!!"

Bigla niyang hinila yung buhok ko.

"Arayy!! Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ano bang problema kasi!?"

Binitawan nya yung buhok ko kinuha ang magazine at binato sakin.

"Tignan mo at nang malaman mo ang kalandian! Landi mo talaga noh! Hanggang magazine ba naman pinagkakalat mo pa!!"

Kinabahan ako bigla, tinignan ko agad ang magazine ang cover ay kaming dalawa ni Kyle, pagbukas ko ng page, may mga picture na solo ako at magkasama kami ni Kyle.

"So anong meron dito?"

"Ano!? Tinatanong mo ako kung anong meron jan!? Niloloko mo si Enrique!!!! Malandi ka!! Alam mo bang kalat na kalat sa buong campus na boyfriend mo ang kasama mo jan, alam na rin namin na ang lalaking yan ay nag aaral din dito!"

Kung alam na ng buong campus yung balitang to, posibleng alam na rin Enrique ang lahat, kailangan ko siyang puntahan. Nang patakbo na ako, may biglang humila na naman sa buhok ko! Yung babae na naman.

"Bitawan mo ako!! Ano ba!?"

"Bat ko naman gagawin yun?"

"Bitawan mo sabi ako eh!!!"

Tapos narinig ko na lang may nagbagsak ng pinto.

"BLAGGGGGG!!!"

May narinig akong bulungan, di ko pa nakikita kung sino ang pumasok.

Si kyle yun. Alam kong si Kyle yun. Narinig ko ang yabag niya palapit sakin at sa babaeng sumasabunot sakin. Napabitaw ang babae sa buhok ko at nakita kong hawak niya ni kyle ang braso nito.

"Kyle stop.it.'' di na sya nagsalita at hinatak ako palabas ng room.

Inaalala ko na lang si Enrique ngayon.

*******************

Enrique POV

Habang nagtatawan kami ni Dylan dito sa tambayan, pumasok si Chris at Hans.

Pagkakita ko sa magazine ang cover nito ay si Lauren. Iba ang itsura niya dito, ibang iba sa simpleng Lauren. Pag bukas ko ng pages nakita ko bumungad sakin nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong mga picture ni Lauren na kasama ang isang lalaki.

"Enrique may kumakalat din na boyfriend daw ni Lauren ang lalaking kasama niya jan."

Binato ko ang magazine at mabilis na lumabas, naririnig ko pa ang pagtawag sakin ng nga kaibigan ko. Di ko na lang pinansin, kailangan kong puntahan si Lauren.

Habang naghahanap ako sa kanya, sakto namang nakasalubong ko siya na lalong nagpainit sa ulo ko.

"Enrique..." agad naman niyang inagaw ang kamay niya sa lalaki at nang papalapit na sya di ko sya pinansin, agad kong sinugod ng suntok yung lalaki.

************************

A Famous Guy on School is my Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon