Lauren POV
Di ako pinansin ni Enrique, pero nagpatuloy tuloy siyang lumapit kay Kyle at sinuntok, napahiga naman si Kyle pero patuloy nya pa rin itong sinusuntok.
"Enrique!! Tama na! Please!" Di nya ako pinapansin..
"ENRIQUE PLEASE TAMA NA!!!"
tumigil naman sya at lumapit sakin at hinawakan sa braso.
"Ikaw Lauren! Sa tingin mo ba porket lumabas ka na sa magazine eh makikilala ka na ng buong mundo!? Ha!?"
"Yan ba ang tingin mo sakin ha Enrique?"
Sumagot naman si Kyle.
"Bago ka umarte ng ganyan alamin mo muna kung anong nangyayari sa girlfriend mo pag nasa labas na nang bwiset na university na to!"
"Stop it kyle."
"Siguro nga hindi mo alam na kailangan na kailangan niyang magtrabaho para matulungan niya yung Mom niya sa pagbayad ng gastusin dito sa university. Enrique you don't know what really happens to your girlfriend right!?"
Nang susugurin na niya ulit si Kyle. Nagsalita na ako.
"Enrique... Let's stop... this relationship.. I'm tired.."
"So you want a break up?"
"Yeah. Let's break up. Tapusin na natin to. Gusto kong bumalik yung dati, yung hindi nyo ako pinapansin ng Prince. Napapagod na ako. Ayaw mo akong pakinggan."
"Okay fine. If that's what you want." Nakita kong tumulo ang luha niya bago tumalikod kasama ang Prince.
***********************************
Ilang buwan na rin simula nung nangyari. Ilang buwan ko na rin hindi nakikita si Enrique. May nababalitaan din akong di masyadong pumapasok ang prince. Pumupunta din ako sa tambayan nila pero hindi ko alam kung wala talaga sila o tinataguan lang nila ako. Alam ko namang nagsabi ako na sana wag na nila akong pansinin pero nag sisisi na talaga ako, siguro yung mga panahong yun sobrang stress na talaga ako, yung tinuring kong kaibigan wala na rin. Iniwan na nila ako. Si Kim na lang ang natira. Sobrang namimiss ko na rin si Enrique.
Hindi ko na alam kung pano ko sya kakausapin, pag tinetext ko sya walang reply, pag tumatawag ako, patay lahat ng cellphone. Hindi ko na alam kung sino tutulong sakin para lang mahanap yung Prince lalo na si Enrique. I really missed him.
Malapit na rin yung graduation, 2 months na lang. Hayyy.. nasan na kasi sila?
Gusto kong pumunta sa rooftop, pahangin lang. Pagakyat ko sa rooftop may nag uusap, yung boses niya familiar. Si Enrique yun, peroay kausap siyang babae.
"Babe..." sabi nung nakakairita na boses ng babae. Nung pag akyat ko nakita ko kung sino, tama ako si Enrique at yung babaeng sumabunot sakin nung araw na may issue sa magazine.
Hinahalikan ng babae si Enrique sa leeg, sa labi at kung san san pa. Dito pa talaga nila yan ginagawa?
Pagtingin ko kay Enrique, nakitingin sya sakin, pagkakita niya sakin hinahalikan na rin niya si Angelica.
"Enrique.." nasabi ko na lang. At umalis na. Bwiset na luha to!!
**********************************
Enrique POV
Habang hinahalikan ako ni Angelica, napunta ang tingin ko sa babaeng nakatingin samin at umiiyak, si Lauren yun, nang makita ko sya hinalikan ko na lang si Angelica hanggang makaalis na si Lauren, at bumitaw na.
"Babe naman eh.. bakit mo tinigil?"
"Lumayo ka nga sakin!" Sabay tinulak siya.
"Babe naman ehh.."
"Wag mo akong tawag tawaging babe!! Lumayas ka sa harap ko ngayon na!!"
Nang parang lalapit pa siya, sumigaw ulit ako.
"LUMAYAS KA SABI EH!! AYAW KONG MAKITA YANG PAGMUMUKHA MO!!! UMALIS KA NA SA HARAP KO NGAYON NA KUNG HINDI MAPAPATAY KITA!!"
Tumakbo naman sya pababa.
"Lauren... Mahal kita pero ang sakit dito eh..." sabay turo sa puso ko
At lumabas na naman ang mga luha ko.
"Bwiset na luha to Lauren, ayaw tumigil.."
*******************************
Lauren POV
"Lauren konting tiis na lang naman eh. Gagraduate ka na. Konti na lang."
*****************************
Graduation Day:"Bes!! Graduation na!!!!"
"Oo nga bes eh.."
Nakita ko si Enrique kasama yung Prince. Mukhang masaya na naman siya eh. Ngumiti na lang ako kahit sobrang sakit lang.
**************
Matatapos na ang gradution ng narinig ko ang pangalan ni Enrique na pinapatawag sa stage.
BINABASA MO ANG
A Famous Guy on School is my Secret Boyfriend
Short StoryHi! I'm Lauren Choi, 18 yrs. old, ako ay isang normal na estudyante sa Lee University. At si Enrique Lee, 18 yrs. old, ang pamilya niya ang may- ari ng school na pinapasukan ko, parehas kaming 2nd year colleges at he's a famous guy on school dahil n...