Pagkatapos namin kumain, hapon na rin, pumunta na kami ni Enrique sa kwarto para ayusin yung mga gamit na dala namin. At yung mga Prince ewan ko dun may sariling pag iisip naman yung mga yun.
Pagkatapos ayusin yung mga gamit, humiga muna kami ni Enrique.
Yung pwesto namin ay yung braso nya ay ginawa kong unan, at nakayakap ako sa kanya yung ganun, tapos yung isa nyang braso titakpan yung mata nya.
"Enrique."
"Hmmmm?" Shet bakit ang sexy? Bakit ang gandang pakinggan? ayy naku pinagnanasahan ko na ba to. Baliw na talaga ako.
"Gusto mo ba ulit ng kiss? Yung wala bang katapusan, yung parang ayaw mo nang tigilan, nabitin talaga ako kanina." Tanong nya ulit sakin na parang bata na nag iimagine pa habang sinasabi niya yung mga bagay na yun, tinanggal ang mga braso sa mata at ngumiti ng nakakaloko at lalo nya pa akong inilapit sa kanya, at inilapit ang mukha nya.
Sakyan ko kaya mga kalokohan nitong bastos na lalaki na to."Bakit pagbibigyan mo ba ako?" In my very sexy sexy tone, na alam kong mahuhulog sya. Nakita ko naman na lumaki yung mga mata ata agad din namang nawala, baliw talaga to, sya ang nagsimula tapos ganyan ang reaksyon nya. Kala mong adik ka, humanda ka.
Ginawa ko unti unti akong humiga sa harap nya, alam nyo ba yung pwestong yun. Nakaibabaw ako sa kanya. At nararamdaman ko na ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Naramdaman ko din yung mga kamay nya nasa bewang ko na parang hinihimas himas niya. Bastos talaga to.
Chill lang Lauren, tuloy mo lang yang gingawa mo, wag kang magpaapekto.Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya, sabay hinalikan at naramdaman ko na yung nasa loob na ng tshirt ko yung mga kamay nya at ginagalaw galaw at naramadaman kong tinaas nya ito na tama lang para matakpan pa yung nasa itaas na bahagi ng katawan ko. Hinahalikan nya ako na para bang gutom na gutom na monster. Bumitaw ako at para bang hinabol nya yung mga labi ko na parang ngang gutom pero di niya naabot at tinignan niya ako ng sobrang talim na may lungkot na para bang sinasabi ng mga mata nya na
"Ano bang problema? Ayaw mo ba?"
Hayy naku.. Isip bata talaga to! Hayy naku bahala na nga yung panglolokong yan. Nasa ibabaw nya pa rin ako, at tinakip nya ulit yung braso nya sa mga mata nya. Ginawa ko hinalik halikan ko yung mukha nya at itinigil ang mga labi ko sa labi niya, dinilat ko yung mga mata ko at tinanggal nya ang braso sa mata nya, pero nakapikit lang sya, habang ako ito naka lips to lips parin sa kanya. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at ginalaw ang labi ko, pero sya nakatigil lang sya,
"Okay fine di ko na ititigil!" Hinalikan ko ulit sya pero di pa rin nakatigil pa rin sya, naramdaman kong ngumiti sya at unti unting ginalaw ang labi niya, hinawakan nya ang batok ko na para sure na sure na di ko na talaga puputulin, ilang minuto lang nakaibabaw na sya sakin, at nasa ilalim na nya ako, lalong lumalim yung mga halik nya, bakit ang init pinatay ba yung mga aircon? Yes mga, 2 kasi aircon sa bawat room, at pinatay nila yun, kaya sobrang init ngayon.
Hinubad ni Enrique ang suot nyang pangtaas, baka naiinitan din sya, at pagkatapos hinalik halikan ang leeg ko, na sya namang nagdulot ng pag ungol ko, ilang saglit lang wala na akong tshirt, naka underwear na lang ako na pangtaas, unti unting bumababa ang halik niya hanggang umabot ng tiyan, at ibinalik sa labi ko. Hindi tama tong ginagawa namin, 2nd year palang kami, kaya pagbalik nya sa labi ko hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, at binigyan ng isang matagal na kiss na di ginagalaw ang labi at hiniwalay.
"Enrique. Stop." Kala ko magagalit na naman sya, iniharap nya ako sa kanya at yinakap, yung yakap na tama lang makita namin yung mukha ng isa't isa,
"Thank you.." sabi niya sabay smile at smack sa lips.
"Para san?"
"Pinatigil mo ko, kung hindi mo yun ginawa baka di ko na namalayan yung sarili ko na mas malala pa dun yung magagawa ko." Napatulo naman ang luha ko, hindi sa lungkot kundi sa saya dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
A Famous Guy on School is my Secret Boyfriend
Short StoryHi! I'm Lauren Choi, 18 yrs. old, ako ay isang normal na estudyante sa Lee University. At si Enrique Lee, 18 yrs. old, ang pamilya niya ang may- ari ng school na pinapasukan ko, parehas kaming 2nd year colleges at he's a famous guy on school dahil n...