Part 2 Continuation

6.6K 139 0
                                    

Enrique POV

Baliw talaga yung babaeng yun, kaya sobrang mahal ko yun eh. Medyo nagulat din ako kanina nung tinulak niya ako yung sa may gate, siya na niligtas diba buti nga di sya nasaktan. Sino kaya nagtulak papatayin ko na lang.

Ako nga pala si Enrique Lee, pamilya ko may ari ng university na ito, obvious naman diba, LEE UNIVERSITY, LEE. Si Lauren girlfriend kong makulit, mahigit 2 years na rin kami, ewan ko ba dun, lagi niyang sinasabi na "WAG MONG SABIHIN SA KANILA YUNG TUNGKOL SA ATIN HA, PLS BABE. LOVE YOU.'', Kasi daw natatakot daw sya baka may mangyari sa kanya pag hindi kami mag kasama, sabi ko naman edi lilipat na lang ako sa room nyo para naman oras oras nakikita kita, nakakasama, diba tama naman?

Sabi naman niya "Hindi wag na, okay lang baka pag kaguluhan ka pa ng mga babae dun at baka hindi ako makapag pigil baka may makaaway pa ako dito, gusto mo ba nun?"

sabi ko "Okay sige pero pag ako di na nakatiis naku sasabihin ko talaga sa kanila tungkol sa atin." 

Kaya yan hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam na iba kundi ang Prince lang. 

Pagkatapos namin magusap ni Lauren pumunta na ako ng tambayan, sobrang saya ko! sobrang na miss ko yung babaeng este babe ko na yun.

"Oh Enrique good mood ka yata." Chris

"Tss."

"Syempre pano ba naman hindi magiging good mood yan eh nakausap niya ang pinakamamahal niyang babae sa balat ng lupa." Hans

At si Dylan wala lang, nagkakalikot lang ng cellphone niya.

Nakalimutan kong sabihin mabait ako, hindi ako katulad ng iba. Pero kapag may nakita akong lumalapit lang kay Lauren asahan mong magiging iba na ang ugali ko.

Kaming Prince nga pala magkakasama sa ibang condo, pero syempre may sarili ako, para naman kung naiingayan ako sa dalawang halimaw na si Chris at Hans pupunta ako dun. Hindi din kami pumasok ngayon, okay lang naman kami naman may ari nito, gagawin ko lahat ng gusto ko.

***************************************************

A Famous Guy on School is my Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon