[TFT] Chapter Twenty

242 8 4
                                    

Chapter Twenty

“Wala kang pasok pare?” Nagulat ako nang makita ko si JB na nakatayo sa harapan ko.

“Mamaya pa pare.” Sagot ko.

Ibinaba ko ang weights na pinapasan ko kanina at kinuha ang aking towel para makapagpunas ng pawis.

“Magkasama kayo nina Sharlene kahapon?” Tanong niya.

“Yup.” Matipid na sagot ko sabay lagok ng tubig.

Hindi ko napansing nandito na pala siya sa gym kanina ko pa kasi siya hinihintay.

“Tapos ka nang magwork-out?” Tanong ko.

“Well, obviously?” Sabi nito na napakibit-balikat.

“Hindi kasi kita napansin.”

Halata nga namang tapos na ito dahil basang-basa ito ng pawis.

“Mag-sha-shower na lang ako at tsaka didiretso na ng school.” Sabi nito.

“Sige, magkita na lang tayo pagkatapos mo mag-shower. I want to talk to you.”

Tumango lang siya at nauna nang pumasok sa shower room. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at pagkatapos ay pumasok sa kabilang cubicle.

Nagkasabay pa kami pababa ng parking area.

“Dala mo ba sasakyan mo?” Tanong niya.

“Oo. Sumabay ka na sa’kin, idadaan kita sa school niyo.”

“Kaya lang Trent dala ko rin ‘yong sasakyan ko.”

“Okay. Let’s talk here then.” Sabi ko sa kanya nang nasa parking area na kami.

“Ano ba ang gusto mong pag-usapan?”

“About Sharlene.” Diretsahan kong sabi.

“And what about her?”

“Gusto ko lang malaman kung sigurado ka talagang mahal mo siya.”

“And why do you need to know?”

“Kasi kaibigan ko siya.”

“’Yon lang?”

“Damn it! Sagutin mo na lang ang tanong ko!” Sabi ko na hindi na napigilang tumaas ang boses.

“Gusto ko siya simula no’ng una ko pa lang siyang nakita at nakausap. Kaya ‘di na ko nagdalawang isip na ligawan siya.”

“Gusto lang? Pa’no pag nakakita ka nang babaeng mas gusto mo kesa sa kanya? Ibibitin mo siya sa ere? Gano’n ba ‘yon JB?”

“Hindi ganyan ‘yan, Trent. Oo, gusto ko siya dati pero habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala at nahuhulog na ang loob ko sa kanya.”

“Siguraduhin mo lang JB.” Hindi na naitago ang pagbabanta sa timbre ng aking pananalita.

“Is that a threat, Trent?”

“Oo.” Nakatitiyak na sagot ko.

“Hindi mo ‘ko kailangang takutin. Alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko. Ikaw, alam mo ba kung ano talaga ang nararamdaman mo Trent?” Tanong niya na nakapagpagulo sa aking utak.

“Wala kang pakialam sa nararamdaman ko.” Madiin kong sabi.

“’Wag kang magpapatalo sa’kin. If you love someone, ipaglaban mo.”

“Hindi ko alam ‘yang pinagsasasabi mo.”

“Alam mo Trent, kumilos ka na habang hindi pa huli ang lahat.”

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon