Chapter Eight
Palabas na kami ng gate ng biglang tumunog ang cellphone ko. Lumayo muna ako kina Marie.
Wow! Mukhang good news ‘to ah? Tumatawag sa’kin si Yabang!
“Hello ungs?” Sabi ko sa kanya.
“Ano’ng ungs?” Nagtatakang tanong niya.
Pinigil ko ang sarili kong matawa.
“Ungs as in unggoy … ummm, pwede ring ungas. Mamili ka lang.” Nag-aasar na sabi ko.
“Unggoy at ungas pala ha? Sige, kalimutan mo na lang ‘tong jersey ni JB.” Asar na sabi nito.
“Eto namang si pogi parang ‘di na mabiro.” Sabi ko na biglang na-excite sa sinabi niya.
Totoo ba ‘to? Meron na siyang jersey ng JB ko? Huwooooooow! Ramdam kong nag heart-shaped ang mga mata ko.
“Ngayon pogi na ‘ko kasi alam mo’ng nasa akin ang jersey ni JB? Hanep ka rin ano?!”
“Hindi naman sa gano’n. Kasi naman … hihihi. Bigay mo na sa’kin please?”
“Oo na. Ibibigay ko na. Magkita na lang tayo sa tambayan natin.”
Biglang nag-iba ang timpla ng utak ko. Namin? Paanong naging ‘namin’? Akin ‘yon ah?
Mag-aalboroto na naman sana ako nang bigla kong maalala ‘yong jersey ni JB. Kalma ka lang Sharlene … tsaka mo na lang siya ipatapon sa planet vio kapag naisakatuparan mo na ‘yong mga plano mo. Hihi
“Hoy! Babaeng may saltik, andyan ka pa ba?” Tanong niya ng hindi ako nakasagot agad.
“Nandito pa ES.” Sagot ko sa kanya.
“ES? Ano’ng ES?” Tanong niya.
“ES as in …” Nag-isip ako ng ibang masasabi sa kanya. Sa inyo ko lang sasabihin ‘to ha? Ang totoong ibig sabihin ng ES ay Endangered Specie.
“Oh? Ano na?” Naiinip na tanong niya.
“ES as in … ESPESYAL! Oo, tama! Espesyal ka kasi nga lagi kayong nananalo ‘di ba? Ayii! Espeyal siya! Oh, dali na … kailan ko makukuha ang jersey ni JB?”
Naku naman oh! Kapit sa patalim lang eh? I really want JB’s jersey.
“Niloloko mo yata ako eh? Pwede mo namang sabihin ng diretso ‘yong salitang ‘espesyal’, bakit kailangan pa ng ‘ES’? Mamaya niyan may ibang ibig sabihin ‘yan ha?” Nagdududang tanong niya.
“Oh, sige ikaw na lang ang magsalita tapos ako na lang ‘yong maniniwala. Tigas mo din eh!”
Kunwari’y badtrip na sabi ko.
“Fine. Naniniwala na.” Sabi niya.
Naloko na naman si Mr.Yabang! Nyahaha! Ang eng-eng niya. Wuhoooo!
“So, kailan na?” Tanong ko.
“Sa Sunday na lang.” Sabi niya.
“Sa Sunday? Eh bukas na deadline mo.” Sabi ko sa kanya.
“It’s Sunday or never!” Matapang na sabi niya.
“Sige na nga, sa Sunday na.”
Bigla na siyang nawala sa kabilang linya. Pagkatapos, may na realize ako! Teka? Bakit ako nagpasindak sa mokong na ‘yon? Siya dapat ‘yong sinisaindak ko ‘di ba? Haaaaay! Naunahan niya ‘ko, palibhasa jersey ni JB ‘yong nakataya. Tsk.
Lumapit na ‘ko kina Ryan na ngayon ay nakaupo sa bench sa tabi ng daan.
Kanina ko pa napapansin ‘tong dalawang ‘to. Parang hindi yata sila nagharutan buong araw ah? Himala!
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?