Chapter Five
Hala! Bakit umulan? Malalagot ako nito kina Papa eh. Sabi ko pa naman sa kanila, two hours lang akong mawawala. Pa’no na ‘to?
“Miss, pwedeng makisilong?” Nagulantang ako sa tinig ni Trent. Hindi pa nawawala ang pagkabadtrip ko sa kanya kaya manigas siya!
“Miss, parang awa mo na.” Patuloy ang pagkatok niya sa kawayan na pinto ng kubo ko.
Hmp! Kung masamang tao lang talaga ako, naku! Hinding-hindi ko siya pagbubuksan.
“Ano’ng kailangan mo?” Sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.
“Makikisilong lang, sobrang lamig na kasi.” Nanginginig na sabi niya.
Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Para kasi siyang basang tuta, napakaamo ng mukha Malayong-malayo sa lalaking napakayabang kanina.
“Sige, pasok.” Labas sa ilong na sabi ko. Dapat ko ba siyang kaawaan?
Pumasok naman siya at agad na naupo sa ginawa kong single bed na kawayan.
“Sinabi ko bang maupo ka?” Pagtataray ko sa kanya.
Akmang tatayo siya nang bigla naman siyang natumba. Kinabahan ako kaya agad kong sinindihan ang gasera.
Lumapit agad ako sa kanya at nakita kong namumutla siya. Gulay! Ano’ng gagawin ko?
Sinalat ko ang noo niya. Aba’t tinatablan pa pala ng lagnat ang kumag na tulad nito?! Naku! baka mamatay ito dito at ako pa ang masisi. As if on cue, kinuha ko agad ang face towel na nasa kahon na lalagyan ko ng mga gamit ko. Mabuti na lang at may mga gamit ako dito. Gumawa na rin ako ng apoy sa kalan kasi kailangan ko ng mainit na tubig pamunas sa kanya.
I found him hugging himself habang nanginginig. Matagal pa bago uminit ang tubig at nakikita kong sobrang nilalamig na siya. Kasi naman eh! basang-basa ang damit niya.
Naghanap ako ng pwede niyang maisuot, buti na lang at t-shirt girl ako. Hindi siya magmumukhang bakla kapag isinuot niya ang t-shirt ko. Oops! Hindi nga ba? Puro kasi micky mouse at spongebob ang t-shirts ko dito and I doubt it kung kakasya nga ba ito sa kanya. ‘Di bale na, ang importante makapagpalit siya ng damit.
“Hoy Trent! Magpalit ka ng damit para hindi ka masyadong lamigin.” Sabi ko sa kanya.
Ungol lang ang naisagot niya sa’kin. Anak ng butiki naman ‘to oh! Paano siya makakapagpalit kong halos pagsasalita lang hindi niya pa magawa ng maayos? Tss.
At dahil wala akong choice, napilitan akong bihisan siya. Nakakaasar! Bakit kailangan niyang maging ganito ka macho? Naman eh! May JB na kaya ako!
Ilang sandali pa at uminit na ang tubig na isinalang ko. Naglagay ako sa maliit na palanggana at isinawsaw doon ang face towel pagkatapos ay piniga at tsaka ipinunas sa kanya.Kinabahan na naman ako nang mapansin kong nanginginig at namumutla pa rin siya, pa’no naman kasi na realize ko na basang-basa pala ang pantalon niya. Now tell me, paano ko siya papalitan ng pantalon nang hindi ko siya huhuburan? Ano bang nagawa ko at minalas ako nang ganito?
Naghalungkat ulit ako ng maisusuot niya na pang-ibaba. Buti na lang at mahilig akong mag jersey short kaya meron siyang magagamit.
Hindi na ‘ko nagdalawang-isip pa kasi baka maduwag lang ako. Hinubaran ko agad siya. Promise! Hindi ko siya pagsasamantalahan. Good girl naman ako eh, kaya makakaasa talaga ang mga babaeng patay na patay sa kanya na hindi ko bobosohan ang crush nila. Si JB naman kasi ang gusto kong bosohan eh, hindi ang mokong na ‘to. Hindi, joke lang! Nyehehe!
Bahala nang basa ang brief niya. Hindi ko kayang tanggalin eh!
Pagkatapos ko siyang palitan ng pang-ibaba ay ipinagpatuloy ko na ang pagpupunas sa kanya. Tuwang-tuwa sana ako kong si JB na lang ang napadpad dito, ang kaso itong si Trent pa eh! Hay naku!
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-fictieSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?