[TFT] Chapter Twenty-Five

532 18 0
                                    

Chapter Twenty-Five

"Bye!" Nakangiting kumaway ako sa papaalis na si JB.

Pupunta siyang Amerika for a vacation. Namiss daw niya kasi ang Dad niya at ang younger sister niya.

"Bye! I'll see you soon!" Sabi nito.

"See you soon!" Pahabol na sabi ko.

"Mamimiss kita!" Pahabol na sabi niya bago siya nakapasok sa eroplano.

"Mamimiss din kita!" Pahabol na sagot ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Mamimiss ko talaga siya. Mamimiss ko ang superhero ko.

Hindi ko namalayan nang may kumawalang luha sa'king mga mata nang maalala ko ang nangyari no'ng gabing 'yon. It was a heartbreaking scene between me and him. Sinabi ko sa kanya na mahal ko siya bilang isang kaibigan lang. Mabuti na lang at napaka-open-minded ni JB. Inamin niyang nasaktan siya pero hindi siya nagalit sa'kin, sa halip ay maayos niya akong pinakawalan and we became good friends.

Say it again for me ...

'Cause I love the way it feels when you are telling me that I'm the only one who blows your mind.

Natigil ang aking pagbabalik tanaw nang tumunog ang ringtone ko.

"Hello, Marie?" Pambungad na bati ko sa kanya.

"Madame, tapos na po akong mamili ng mga kailangan mo." Sabi nito.

"Maka-madame ka naman akala mo lagi kitang inaalila ah?"

"Bakit, hindi ba?"

"Ikaw rin kaya! Kung masama ang loob mo, sige ... isuli mo na lang 'yang mga pinabili ko sa'yo. Ako na lang ang bibili ulit ng mga 'yan." Kunwari'y nagtatampong sabi ko.

"Naku! Kung hindi lang talaga ako concern sa'yo ... gagawin ko talaga 'yang suggestion mo." Sagot naman nito.

"Concern ka sa'kin? Bakit naman?"

"Hello! Ayoko kayang maging old maid ka. Baka huling pagkakataon mo na 'to eh. Pasalamat ka nga at may nagkamaling lumapit sa'yo."

"Excuse me? Kung nagkamali lang siya eh 'di hindi lang pala siya ang nag-iisang tanga? Ni-re-remind lang kita, dalawa silang may gusto sa'kin 'di ba?"

"Tse. Yabang!"

Natawa na lang ako sa inakto ni Marie. Kahit kailan talaga siraulo 'tong babaeng to! Ang ugali nitong punong-puno ng kabaliwan ang pinakamami-miss ko.

Parang kailan lang nang magkakilala kami tapos no'ng isang linggo lang nagtapos na kami. Hindi naman kami masyadong malalayo sa isa't isa kasi napagpasyahan naman naming tatlo na dito na magtrabaho. 'Yon nga lang, iba pa rin 'yong araw-araw kaming magkakasama. Kung pwede nga lang na magkakasama kami sa trabaho, ginawa na namin eh. Kaya lang, sa iba't ibang kompanya kami pumasa.

Pagkababa ko ng tricycle ay nakangiting mukha agad ni Marie ang nasilayan ko.

"Hurray! Maghanda ka na dahil tumatanda ka na!" Sabi nito.

I just roll my eyes heavenwards at kunwari'y hindi siya pinansin. Dumiretso ako sa kusina para magsimula nang magluto.

"Kung hindi lang talaga kita mahal Sharlene ... 'di na kita tinulungan eh!" Sabi nito sabay dampot ng chopping board at kutsilyo.

"I love you too." Nakangiting sagot ko.

"Parang labas sa ilong."

"Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!"

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon