Chapter Twelve
“Hoy! Babaeng may saltik, patulong.”
Bigla akong nalaglag pabalik sa lupa ng marinig ko ang boses ni Trent.
Lumapit kami ni JB sa kanya. Naku! Kung wala lang ang aking sinisinta dito, malamang naitapon ko na ‘to sa planet vio.
“Pare, iuuwi ka na namin ha?” Sabi ni JB tsaka kinuha ang kabila niyang kamay at ipinatong sa balikat nito.
“Hindi ko kailangan ng tulong mo pare, kaya nga pinatawag ko ‘yang babaeng ‘yan para tulungan ako eh.” Sabi naman nito sa aking sinisinta.
Naku! Ang sarap na talagang tadyakan. Patay ka sa’kin ‘pag tayong dalawa na lang Tristan Kent Villar!
Bago pa magkaasaran ang dalawa, lumapit na ‘ko kay Trent para tulungan siyang makatayo. Dahil sa sobrang tangkad at bigat niya, hindi ko siya kinaya. Mabuti na lang at maagap akong tinulungan ng aking sinisinta. Kung hindi siguro, pareho na kaming nanguodngud sa semento.
“Sabing hayaan mo ‘ko eh!” Sinubukang itulak ni Trent si JB ngunit dahil na rin sa kalasingan, hindi niya kinaya ito.
“Ano ba Trent?! ‘Wag ka na ngang maarte! Kahit ngayon lang, aminin mo naman na kailangan mo ng tulong oh!” Sita ko sa kanya.
“Hindi ko kailangan ng tulong nitong crush mong loser.” Walang pakundangang sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong napapikit. I’ve waited JB’s fist to land on his face pero hindi ito nangyari.
Napamulat ako at nakita kong nasa balikat pa rin ni JB ang isang kamay ni Trent. Lalo tuloy akong na-inlove sa kanya. Kung ako siguro ang sinabihan nito na loser? Kanina pa siguro ito tumihaya sa lupa.
“Hoy! Sa’n ka ba namin pwedeng ihatid?” Tanong ko kay Trent nang makapasok na kami sa sasakyan ni JB.
Hindi yata marunong magalit ang aking sinisinta. He even volunteered to drive for us hanggang sa condo ni Trent para daw safe kaming makarating do’n.
“Sa King’s Residence n’yo ‘ko iuwi.” Sagot nito.
Nagdrive naman agad si JB. Nagmukha pa siyang driver namin kasi ayaw paiwan ni Trent sa backseat. Parang bata na nagwawala kapag nagtangka akong umalis sa tabi niya.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ni Trent?” Nagulat ako nang biglang basagin ni JB ang katahimikan.
“Hindi naman. Ba’t mo natanong?”
“Nagtataka lang ako kung bakit ikaw ang pinatawag niya.”
“Wala sigurong ibang kaibigan eh.”
“Maraming kaibigan ‘yang si Trent. Tsaka maraming nagkakandarapang babae sa kanya.”
“Ay, talaga? Nakakapagtaka.”
Nakaharap siya sa daan pero napansin kong napangiti siya sa sinabi ko.
“Tingin ko, may sama ng loob ka kay Trent.”
“Wala naman. Hindi ko lang talaga siya gusto.”
“Ha? Pwede mo bang maging kaibigan ang isang taong hindi mo gusto?”
“Ang totoo kasi, hindi naman kami magkaibigan nito eh.”
“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Magulo eh. Matanong ko lang, pa’no naman ‘yong motor ko?”
“Balikan mo na lang mamaya. Malapit lang naman eh.”
Nagulat pa ‘ko nang inihinto niya ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?