[TFT] Chapter Four

322 11 2
                                    

Chapter Four

“Bro, nasa’n ka?” Tanong ni Brent sa’kin nang sagutin ko ang phone ko.

“I’m in middle of nowhere bro.”

“Trent naman, may naghahanap sa’yo dito oh?”

“Sino ba’ng naghahanap sa’kin?”

“Meigan daw ang pangalan eh.”

Oo nga pala, nang mapadpad ako sa islang ‘yon, hindi agad ako umalis. Nagpahinga ako do’n hanggang sa nakatulog ulit ako. Pagabi na nang magising ako kaya hindi na ‘ko bumalik sa resthouse niya. Tawag nga nang tawag at text nang text sa’kin. Alam ko naman ang gusto niya, a serious relationship. Ironic ‘di ba? Sexy starlet pero naghahangad ng seryosong relasyon, bahala siyang magmukhang engot. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ayoko ng commitment.

“Nand’yan ka pa ba Trent?” Tanong ni Brent.

“Oo, sabihin mo sa kanya ‘yong sinabi ko sa’yo.”

“Trent, hindi ko gusto ang ginagawa mong ‘to.”

“Alam ko. Basta sabihin mo na lang sa kanya ang sinabi ko.”

Pinatay ko na ang cellphone ko. Hindi ko sasabihin kong nasa’ n ako dahil alam na alam ni Meigan ang lugar na ito.

Naglakad na ‘ko sa tabing dagat. It’s only 4:15 pm, kahit sandali man lang makapag relax ‘tong utak ko.

Na disappoint ako nang ma realize kong malalim ang tubig. Badtrip! Pero ‘di bale na, may extrang damit naman ako sa sasakyan.

Sa kagustuhan kong tumakas sa mundo ko, eto! Lumalangoy ako papunta do’n sa nadiskubre kong lugar no’ng Monday. Hindi naman kalayuan kaya okay na ‘to.

Nang makarating ako ng isla, agad akong sumuot sa liblib na bahaging ito. Teka?May nagpunta ba sa lugar na ito? Nakakapagtaka lang kasi hapay na hapay ang hanggang tuhod kong mga damo. Nah! Baka may mga nangangaso sa lugar na ito.

Pagkadating ko sa tambayan ko, agad akong nahiga sa ilalim ng punong hinigaan ko no’ng Lunes at Miyerkules. Pangatlong balik ko na dito, at tingin ko hindi ako magsasawang balik-balikan ang lugar na ito. Nakakawala ng stress ang ganitong environment.

Nagtaka ako nang makarinig ako nang tunog ng gitara. Alam kong hindi ko dinala ang cellphone ko dahil hightide ngayon at isa pa, hindi ko magagamit ‘yon dito. Walang signal sa lugar na ito. Who could it be?

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog na ngayon ay sinasabayan na ng isang malamyos na tinig ng isang … babae? Cool! May babae sa lugar na ito!

Palapit na nang papalapit ang tunog, tanda na malapit na talaga ako sa kinaroroonan niya. Excited na ‘ko! Sana naman maganda at kasing sexy ni Meigan ang babaeng kumakanta nang sa gano’n ay mas madagdagan ang dahilan ko na bumalik-balik dito.

Sumuot ako sa mga nagtataasang talahib only to realize na may pagka-engot din pala ako kasi merong maliit na daanan sa ‘di kalayuan. Sabagay, hindi naman agad makikita ang daanan na ‘yon.

Namangha ako nang makakita ako ng isang maliit na kubo. Kasing laki lang siguro ng single-sized bed na may maliit lang na extension para paglagyan ng mga gamit. Dito kaya nakatira ang isang ‘to? Napansin ko kasing may kalan siya at maliit na kaldero pero hindi ko makita ang may-ari.

I walk on the other side para makita ang babaeng kumakanta and I saw her, nakaside-view nga lang. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kaya I move closer. Sa kakalapit ko ay hindi ko na namalayan na sobrang lapit na pala ako sa kanya. Magpapakita ba ‘ko? Sabagay, kung dito nga siya nakatira, malamang hindi niya ako makikilala kasi wala naman siyang tv dito eh. Without having second thoughts, lumapit na ‘ko nang tuluyan sa kanya.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon