Chapter Six
“Hoy!” Nagulat ako nang siniko ako ni Marie.
“Ano ‘yon?” Tanong ko sa kanya.
“Hay naku! Kanina pa ‘ko kwento nang kwento sa’yo tapos hindi ka naman pala nakikinig.” Nakalabing sabi niya.
Nakasakay kami ngayon ng jeep papuntang kabilang bayan, sa simbahan nina Ryan.
“Pasensya na. May iniisip eh.”
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko si Trent sa personal. Hindi ako makapaniwalang nagka-usap kami at natarayan ko siya.
Mabuti na lang at maaga akong nakarating ng bahay kanina. Pupunta na sana sina Papa sa presinto para i-report daw na nawawala ako. Buti na lang at pinayagan pa rin nila akong umalis ngayon. ‘Yon nga lang, nagkaroon lang ng mahaba-habang usapan.
“Ano naman ‘yang iniisip mo? ‘Yong pending na stories mo na naman?” Tanong sa’kin ni Marie.
“Oo.” Pagsisinungaling ko.
Hay! Hindi ko pa kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Alam ko kasing magtatanong sila kung paano at kung saan ko nakita si Trent. Kaya lang, parang hindi naman ako sanay na naglilihim ako sa kanila.
“Para po Manong.” Sabi ni Marie.
Bumaba na kami. Hindi na rin ako kinausap ni Marie kasi alam naman niya sigurong wala siyang mahihita sa’kin sa ngayon. Lutang na lutang pa rin kasi ako.
Maya-maya lang ay sinalubong na kami ni Ryan.
“Ohayoo!” Nakangiting bati niya sa’min.
“’Wag kang mag nihongo, hindi bagay sa’yo.” Pambubuska ni Marie.
“Hindi naman ikaw ang binabati ko.” Sagot naman ni Ryan.
“Ohayoo Sharlene-chan!” Bati niya sa’kin.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
“Ano’ng nangyari kay Sharlene?” Narinig kong bulong ni Ryan kay Marie.
“Ewan ko, na nuno siguro.” Sagot naman ni Marie.
“Hala! Ba’t mo ginawa sa kanya ‘yan?” Kunwari’y tanong ni Ryan sa kanya.
Binatukan siya ni Marie.
“Hindi porke’t hindi ako kataasan, nuno na ‘ko kasi ‘di hamak naman na mas mukha akong tao kesa sa’yo.”
Hindi na nakasagot si Ryan. Palibhasa, nasa harap na namin ‘yong girlfriend niya.
“Umm … Sharlene, Marie … siya nga pala si May girlfriend ko. May, sina Sharlene at Marie, mga besrtfriends ko.” Pagpapakilala ni Ryan.
Ngumiti ako sa kanya samantalang iniabot naman ni Marie ang kamay niya dito. Know what she did? Tinalikuran niya si Marie. Hindi man lang inabot?
Kibit-balikat na inakay na lang ako ni Marie papunta sa loob. Binalewala na lang niya ‘yong ginawa ng girlfriend ni Ryan. Si Marie kasi ‘yong tipong hindi nagpapaapekto pwera na lang pag-ex niya ‘yong pinag-uusapan.
Sanhi ng pagkagulo ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na tapos na pala ang service. Ni hindi ko man lang naintindihan ‘yong sinabi ng speaker.
“Kain na tayo.” Pagyaya ni Ryan.
Sumunod naman kami. Syempre si Marie pa, other than us and her ex, she loves foods as well.
Magulo na nga ang isip ko kung anu-ano pa ang napapansin ko. Kanina pa kasi masama ang tingin ng girlfriend ni Ryan kay Marie. Si Marie naman kasi eh! masyadong ‘clingy’. Ganyan naman talaga siya eh, kahit sino ang kasabay niya kinakapitan niya sa braso at mahilig pa ‘yang manghalik at mangyakap. Nagalit siguro ‘yong girlfriend ni Ryan kasi napansin niya ‘yong sweetness ni Marie sa boyfriend niya.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko, naka-silent mode kasi. I opened my phone and saw an unknown number.
Magkano utang ko sa’yo? (End of message)
Kahit hindi nagpakilala ang texter, alam ko na kung sino ‘to.
I texted him back.
Hindi ko kailangan ang pera mo. (End of message)
At dahil mayaman naman siya, tinawagan niya ‘ko … buti naman, nakakapagod magtext eh.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” Pambungad niya.
“Magandang tanghali po, hindi po ba muna kayo babati?” I said mockingly.
“I want you to go straight to the point.” Sabi nito.
“Okay, I don’t want your money. I want my JB.”
“What?! Are you out of your mind?! Maliit lang ang utang ko para bilhin ko si JB para sa’yo.”
“Ay, makapag-react naman si Kuya oh … hindi ko naman sinabing bilhin mo si JB. Masyado siyang mahal ‘no? Hindi mo siya afford.”
“Okay, ano’ng ibig mong sabihin? Pakibilisan dahil masakit ang ulo ko.”
Kaya naman pala sobrang sungit, may sumpong.
“Tutulungan mo ‘kong mapalapit sa kanya. Maliwanag ba?” Sabi ko sa kanya.
“Ha? Ano bang kalokohan ‘yan?’Wag ka ngang mandamay?”
“Sige na nga,‘wag ka na lang magbayad … eh ‘di habang-buhay ka nang may utang sa’kin niyan?”
I heard him sigh.
“Okay fine. I’ll help you out with JB.” He said.
At naputol na ang aming pag-uusap. Nakangiti akong bumalik sa dining area ng lugar na ‘yon.
“Hoy! Sino’ng kinausap mo? Ba’t ngiting-ngiti ka d’yan?” Tanong ni Marie nang makabalik na ‘ko sa aking inuupuan.
“Kausap ko si Trent.” Sabi ko sa kanya.
“In your dreams!” Sagot niya.
Ayaw niyang maniwala? ‘Di bahala siya.
Tahimik naming tinapos ang pagkain. Napapansin ko pa rin ‘yong girlfriend ni Ryan na panaka-nakang tinitingnan si Marie at mukhang mas lumala dahil hindi na rin sila nag-iimikan ni Ryan.
Hay buhay! Kaya takot akong magmahal at mag-commit eh. It can cause life’s complications pero naalala ko naman ‘yong sinabi ni Marie sa’kin no’ng nagbreak sila ng ex niya. Sabi niya, ‘hindi ko pinagsisihan na nagmahal ako … nasasaktan man ako ngayon, nakaranas naman ako ng kasiyahan. Kung hindi naging permanente ang kasayahang ‘yon, alam ko na hindi rin magiging permanente ‘tong kalungkutan ko ngayon.’ Oh ‘di ba? May point naman siya ‘di ba? There’s nothing permanent here on earth. Kung meron mang permanente, si Lord lang ‘yon at ang mga promises Niya.
Hindi ko na pinatapos ang program. Medyo malayo pa kasi ang place namin kaya kailangan ko nang umuwi.
Inihatid ako nina Marie at Ryan.
Ilang minuto pa lang akong nakarating sa bahay nang tumawag si Marie.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“Nag-away sina Ryan at ‘yong girlfriend niya.”
Inaasahan ko naman na mangyayari ‘to.
“Pa’no mo nalaman?” Tanong ko sa kanya.
“Feeling ko lang, kasi kausap ko ‘yong crush ko sa loob tapos no’ng lumabas ako, nag walk-out ‘yong girlfriend niya tsaka sumakay na nang jeep. Mukhang frustrated si Ryan eh.”
“Kausapin mo na lang si Ryan, baka makalbo ‘yon kakaisip sa girlfriend niya.”
“Bakit Sha, hindi pa ba siya kalbo sa lagay ng buhok niya?”
Natawa naman ako sa sinabi ni Marie. Eto talagang kaibigan ko, walang pinipili na pagkakataon eh.
“Sira-ulo ka talaga! Sige na, kausapin mo na siya. Bye.”
“Sige, bye.”
And I pressed the end-call button. Sana okay lang si Ryan.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?