[TFT] Chapter One

840 19 2
                                    

Chapter One

“Hoy!” Nagulat ako nang bigla akong batukan ng bestfriend kong si Marie.

“Aray! ‘Pag itong utak ko napundi at hindi na ‘ko makagawa ng mga magagandang kwento … naku! Hindi mo na ‘ko makikita sa eskwelahang ‘to kahit kailan!”

Hindi kami mayaman kaya kapag hindi ako kumita sa pagsusulat, hindi kakayanin ng mga magulang ko ang lahat ng gastusin sa school. Nasa ikaapat na taon na ‘ko sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, konting tiis na lang at hurray! Welcome to the jobless community na ang drama ko nito.

 Actually, hindi ko naman talaga gusto ang kursong ito, napipilitan na lang akong mag-aral kasi nga iba pa rin daw kapag may diploma kang pinanghahawakan.

“Eh, nakatunganga ka na naman kasi d’yan eh! Ano na naman ba ang iniisip mo?” Tanong niya sa’kin.

“Eh di ‘yong manuscript na ginagawa ko ngayon. Meron pa ba akong ibang dapat na isipin?”

“Oo, ‘yang love life mo. Hindi ka ba nanghihinayang sa matagal mo nang pagsasayang d’yan sa beauty mo?”

“Hindi ako nagsasayang ‘no? Naka-reserve na ‘ko..”

“Ha? Talaga?” Biglang nag heart-shaped ang mga mata niya.

“Yup!”

“And who’s that lucky guy?”

“Sino pa nga ba, eh ‘di si John Bryan Rojo!” Kinikilig kong sabi sa kanya.

Si John Bryan Rojo ay isa sa mga sikat na basketball player sa buong Pilipinas.

“Tse! Mas gwapo kaya ‘yong captain ball ng kabilang team?”

“Sino? Si Tristan Kent Villar? Ayoko sa kanya, mukhang suplado eh.”

“Hindi kaya! Tahimik lang siya pero tingin ko hindi siya suplado.”

“Ewan ko sa’yo! Basta mas gwapo pa rin si JB!”

“Mas gwapo si Trent!”

“No! Si JB!”

“Si Trent!”

“Si J ----- Aray!” Napasigaw kaming pareho ni Marie nang pag-umpugin kami ni Ryan.

“Ano ba bakla! Ang sakit no’n ha?” Singhal ni Marie sa kanya.

Hindi bakla si Ryan pero madalas siyang mapagkamalang binabae kasi mas close siya sa mga babae, lalo na sa mga cute girls na tulad namin ni Marie.

“Isa pang bakla Marie at hahalikan na talaga kita!” Si Ryan.

Biglang nanahimik si Marie. Natakot mahalikan. Hahaha!

“Oh, ba’t ka natahimik?” Tanong ko sa kanya.

“Natural natakot ako, nakakadiri kaya!” Sagot niya.

Ayun! Pinapak ni Ryan ang pisngi niya. Buti na lang ‘di ako nakisali sa kanila. Pagod kasi ako eh. Buong maghapon kong inayos ang tambayan ko.

High school pa lang ako no’n nang makadiskubre ako ng isang maganda at payapang lugar malapit sa baryo namin. It was a mini forest sa isang parte ng isla na hindi naman masyadong malayo sa tabing dagat. Naisipan ko minsan na dalhin sina Marie do’n kaya lang baka mawala ang katahimikan sa lugar na ‘yon, alam n’yo naman … masyado silang tahimik. Hahaha!

Hinihingal na napaupo sina Marie at Ryan sa tabi ko.

“Tapos na kayo?” Tanong ko sa kanila.

“Tapos na siya Sha … ubos na pisngi ko eh! Huhuhu.” Si Marie.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon