Chapter Thirteen
Hindi ko na nakuhang magbiro sa sinabi niya. Akala ko dati, crush ko lang siya pero mukhang mahal ko na talaga yata ‘to.
“Sha? Are you okay?” Untag niya nang mahalatang natahimik ako.
“Y-yes.” Nauutal na sagot ko.
“You’re blushing. Anyway, totoo ba ‘yong sinabi ni Trent kanina?”
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gulay! Ano’ng sasabihin ko sa kanya?
“Ang alin?” Pagmamaang-maangan ko.
“Na crush mo daw ako.” Nahihiyang sabi niya habang napapakamot sa pisngi.
Hindi ko alam kung matutuwa ako kay Trent o maiinis, unahan ba naman akong magtapat?
“Oo.” Matipid na sagot ko.
Gulay! Eto na talaga ‘to oh!
“Talaga?” ‘Di makapaniwalang sagot niya.
“’Di joke lang ‘yon.”
Nagulat ako nang makita kong nag pout siya. Sige, magpa-cute ka pa!
“Joke lang pala eh.” Napakamot siya sa ulo.
“Babaeng may saltik, ba’t ang baho?” Pareho kaming nagulat nang magsalita si Trent.
“Sariling amoy!” Nakabusangot na sagot ko.
Kahit kailan talaga, panira ng moment ‘to!
“Excuse me JB, linisin na lang natin ‘yong higaan ni Trent tapos umalis na tayo. May pasok pa ‘ko mamaya eh, tsaka baka hanapin pa ‘ko nina Papa.”
Tumango lang ito pagkatapos ay isinuot ang damit niya. Sana wala na lang dryer si Trent. Hehe!
Kumuha ulit ako ng panibagong face towel at isinawsaw sa tubig na may alcohol. Kahit papa’no may pasasalamatan rin naman ako kay Trent. Kahit man lang dito makabawi ako.
“JB, pakihubad naman ng shirt niya tsaka nang pants na rin, at pwede ikaw na rin magpunas sa kanya?”
“Ha? Bakit ako? Nakakabakla naman ‘yang pinapagawa mo sa’kin eh.” Gulat na tanong niya.
“Sige na please?” At nag puppy-eyes pa ako sa kanya.
“Sige na nga, pasalamat lang ‘tong si Trent at may cute siyang kaibigan.”
“Cute ba ‘yan? Mag eye glass ka nga, sira yata ‘yang mata mo eh.” Sabi ni Trent sa lasing pa rin na boses.
Muntik ko na siyang sugurin at pagsasaksakin sa sinabi niya. Nakakaasar na eh!
Pinagtawanan lang ni JB ang sinabi nito.
Nang matapos naming bihisan si Trent, nagyaya na ‘kong umuwi. Dahil siguro sa kalasingan nito, nakatulog din agad.
Hindi na kami nagpaalam sa kanya. Sabay na kaming lumabas ni JB at ini-lock ko na lang ang pinto. Baka may maligaw pang mga babaeng patay na patay sa kanya at gahasain siya, ako pa ang masisi.
After ten minutes, narrating na rin namin ang Blue’s.
“Sigurado ka kaya mong umuwing mag-isa?” Tanong niya.
“Oo naman. Nakapunta nga akong mag-isa lang dito ‘di ba?” Sabi ko sa kanya sabay taas-baba ng aking mga kilay.
Napangiti na naman siya. Gulay! That dimples!
“Sige, mag-ingat ka ha?” Sabi niya.
“Ikaw din.”
Bubuksan na sana niya ang kotse niya nang lumingon siya ulit.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?