[TFT]Chapter Twenty-Three

262 11 0
                                    

Chapter Twenty-Three

"Ano?! Sinabi mo 'yon?!" Gulat na tanong ni Marie.

"Pasensya na kasi naduduwag talaga ako eh." Sabi ko habang kausap sa cellphone si Marie.

"Matanong ko lang Trent ... natuli ka na ba?" Tanong nito na tatawa-tawa.

"Oo naman 'no!"

"Kung sa gunting nga 'di ka natakot, kay Sharlene pa kaya? Oo, matakaw 'yon pero hindi naman 'yon kumakain ng tao!" Natatawa pa ring sabi nito.

"Balat lang ang nakataya sa tuli, samantalang kay Sharlene ... puso eh!"

"'Yan! Ganyang-ganyan ang gusto ko! Alam kong mahal mo si Sharlene kaya tinutulungan kita pero pwede ba Trent ... tulungan mo din naman ang sarili mo!"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman kasi inakalang ganito pala kahirap ang magtapat ng nararamdaman.

"Ang hirap eh!" Sabi ko kay Marie.

"Alam ko. Kaya nga ikaw ang bet ko 'di ba? Sabi kasi nila, 'pag totoo ang nararamdaman ... mahirap sabihin."

"Alam ko namang totoo din 'yong nararamdaman ni JB eh."

"Ah, so ibig-sabihin nito ... bahag lang talaga ang buntot mo!" Tatawa-tawa nitong sabi.

Napakamot na lang ako sa ulo. Talaga 'tong si Marie kung makapang-asar oh!

"Kidding aside Trent ... ano na ngayon ang plano mo?" Tanong nito.

"Talagang kidding aside na 'yan ha?" Paninigurado ko.

"Oo nga! Seryoso na 'ko oh ..." Sabi naman nito.

"Magtatapat na talaga ako."

"Sigurado na 'yan?" Pananantiya nito.

"Oo nga eh ... Pero syempre kailangan ko ulit ng tulong mo."

"Yan tayo Trent eh ... namimihasa ka na, baka mamaya niyan hingin ko na ang Kuya mo bilang kapalit ng lahat ng 'to!" Nakatawa nitong sabi.

"Marie naman! Akala ko ba 'kidding aside' na? 'Di ka naman makausap ng matino eh."

"Ay, sorry naman po. So, ano naman ang maitutulong ko?" Sabi nito na agad namang sumeryoso.

"Just give her my letter. 'Yon lang."

"Ah ... 'yon lang naman pala eh! A pice of cake."

Nang makasigurado akong gagawin niya ang pabor na hiningi ko ay nagpaalam na agad ako. Maaasahan talaga sina Marie at Ryan. Ewan ko ba kung bakit pinagkakatiwalaan nila ako kahit sabihin pa na ang engot-engot ko dati.

To: Sharlene

Hoy babaeng may saltik! Hindi ko alam kung may ideya ka na kung bakit ako gumawa ng sulat na ito. Kung meron, eh 'di ikaw na ang matalino! Kung wala, ang manhid mo! Gusto sana kitang makausap kasi may gusto akong ipaalam sa'yo. Nahihiya ako kaya pwede bang sa tambayan na lang natin pag-usapan 'to? Maghihintay ako sa'yo sa Linggo, alas singko ng hapon.

From: Pogi

Ilang papel din ang nasayang ko sa paggawa ng sulat na ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang isusulat ko. Gusto ko sanang magpaka-sweet kaya lang baka pagtawanan niya ito kaya pinili ko na lang 'yong pamamaraan na mas komportable ang dating para sa'ming dalawa.

Isinilid ko ito sa wallet ko at nahiga na sa kama. 'Di ko talaga lubos maisip na nangyayari sa'kin 'to. Parang kahapon lang, kung sinu-sinong babae ang nilalapitan at nakakasama ko pero ngayon, iisang babae na lang ang gusto kong makasama. Hindi lang ngayon kundi habang-buhay.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon